DINAGAT ISLAND, NAHATIRAN NA NG TULONG NG NAVY

DUMATING  na ang tulong para sa mga residente ng Dinagat Islands na nasalanta ng Bagyong Odette.

Sa ulat ng Philippine Navy, nakarating na sa Dinagat Islands ang kanilang mga tauhan na sakay ng BRP Rafael Pargas ng Naval Forces Eastern Mindanao.

Nagsagawa agad sila ng relief operations at namigay ng pagkain.

Bukod dito ay nagsagawa rin sila ng feeding activity sa mga residente sa lugar.

Nagtayo rin sila ng charging station sa San Jose Port para sa mga cellphone user na naubusan na ng baterya.

Nabatid na ang BRP Rafael Pargas ay isa sa 19 na humanitarian aid-focused vessels ng Philippine Navy.

Samantala, bukod naman sa Dinagat Islands, patuloy din ang pagtulong ng Philippine Navy sa iba pang lugar sa Visayas at Mindanao na hinagupit ng Bagyong Odette. REA SARMIENTO