NAGLAGAY ng karagdagang mobile lightning shelters ang Cebu pacific sa Ninoy Aquino International (NAIA) Terminal 3 sa pakikipagtulungan ng Manila International Authority (MIAA).
Ayon sa nasabing airline, layon nito na maiwasan ang delay at cancellation of flight kapag mayroon Red Lightning Alert (RLA).
Gayundin, maiangat din ng Cebu Pacific ang seguridad ng kanilang operasyon at pagkaabala sa mga pasahero dulot ng RLA.
Sa report na nakalap ng pahayagang ito, nakapag-installed na ang Cebu Pacific ng limang lightning shelters unit, ang dalawa ay itinayo sa may remote parking bay, at ang isa ay matatagpuan sa sa ramp 2 ng NAIA Terminal 3.
Inaasahan na makukumpleto ito bago matapos ang buwan at bukod sa lighting shelters, binigyan din wireless headsets ang lahat ng kanilang ground personnel operations para sa seguridad ng mga ito at upang maging mabilis ang pagkilos habang mayroon kidlat.
Ayon kay Lei Apostol, Vice President for Customers Service Operations, ang lightning shelters at wireless headsets ay ginagamit hindi lamang upang mabawasan ang impact ng lightning alerts sa operasyon, makakatulong din ito sa seguridad at kapakanan ng ground personnel operation sa panahon ng tag-ulan.
Samantala, sinang-ayunan naman ni MIAA General Manager Eric Ines ang inisyatibo ng Cebu pacific sapagkat ito ay naayon sa kanilang program o objectives na siguraduhing ligtas sa bawat oras ang rampa ng paliparan. FROILAN MORALLOS