DINAGYANG FESTIVAL: ELEGANTENG PAGDIRIWANG NG NEGOSYO AT PANANAMPALATAYA

TULAD ng Sinulog at Ati-Atihan Festival, isinasagawa ang Dinagyang Festival ng Iloilo upang parangalan ang Mahal na Batang Jesus na Santo Niño. Isa itong award-winning festival na ilang ulit ibinoto ng Association of Tourism Officers in the Philippines bilang pinakamagandang tourism event sa bansa.

Noong una, ang Dinagyang Festival ay sa San Jose Parish lamang. Ngunit mula nang mapansin ito ng Association of Tourism Officers in the Philippines at ng Asian Development Bank, pinalawak na ito at nagawaran pa ng Best Practice in government, private sector & NGO cooperatives.

Ang Dinagyang Festival ay may official mascot na tinatawag nilang Dagoy, isang palakaibigang Aeta kid-mascot na ang taas ay 6’9”.

ang Dinagyang ay salitang Hiligaynon na ang ibig sabihin ay “merrymaking” o pagsasaya. Tulad ng Sinulog at Ati-Atihan Festival, ang Dinagyang Festival ay isang religious festivities sa Pilipinas para sa Santo Niño at ang pakikipagkaibigan ng mga Datu at nasasakupan nila sa mga Kastila. Tinagurian itong “Queen of all festivals” sa Pilipinas.

Tuwing ikaapat na araw ng  Linggo ng Ene­ro, nagbabagong-anyo ang mga kalsada sa Iloilo City, kung saan nagkakaroon ng street party na umaapaw ang mga inumin at pagkain. Ang pinakahihintay ng lahat ay ang Dinagyang Festival dance contest at naggagandahang parada ng mga karosa.

Nagsimula ang Dinagyang kay Rev. Fr. Ambrosio Galindez, ang unang Filipino Rector ng Augustinian Community at Parish Priest ng San Jose Parish, na nagpakilala ng debosyon sa Santo Niño noong November 1967, matapos panoorin ang Ati-Atihan Festival sa Aklan. Noong 1968, dinala sa Iloilo City ni Fr. Sulpicio Enderez ang replica ng orihinal na imahe ng Santo Niño de Cebu bilang regalo sa Parokya ng San Jose. Sa pangunguna ng mga mi­yembro ng Confradia del Santo Niño de Cebu Iloilo Chapter, nagsagawa ang mga mananampalataya ng pagdiriwang na nararapat dito mula sa paglapag sa Iloilo Airport at pagpaparada nito sa mga kalsada ng Iloilo.

Tulad ng nasabi na, dati ay para lamang ito sa parokya. Ibinase ng Confradia ang selebrasyon sa Ati-atihan ng Ibajay, Aklan, kung saan nagsasayaw ang mga tao sa kalsada, kung saan kinukulayan nila ang kanilang balat ng uling at abo, upang mas mapaganda ang pagsasayaw ng mga Ati tulad ng sa Panay.

Noong 1977, iniatas ng gobyernong Marcos sa iba’t ibang relihiyon sa Pilipinas na na gumawa ng kani-kanilang festival o selebrasyon na makaaakit sa mga turista. Agad napagpasiyahan ng Iloilo City ang Dinagyang. At dahil hindi na ito kakayanin ng Parokya lamang, tumulong na dito ang gobyerno. Mula noon, kinilala na ang Dinagyang bilang best Tourism Event for 2006, 2007 at 2008 ng Association of Tourism Officers in the Philippines. Isa ito sa mga pagdiriwang sa mundo na nakakuha ng suporta ng United Nations para sa promosyon ng Millennium Development Goals, at kinilala ng Asian Development Bank bilang Best Practice on government, private sector & NGO cooperatives.

May tatlong major events ang Dinagyang Festival: ang Ati Tribe Competition, Dagyang sa Calle Real Ati Tribe competition at ang Miss Iloilo Dinagyang. Bilang karagdagang atraksyon sa kumpetisyon ng tribong Ati, idinagdag ang Kasadyahan Cultural competition sa pagdiriwang mula 1980s hanggang 2019 – wala kasi ngayong Dinagyang upang ipakita ang talents ng mga estud­yante at ag mayamang pamanang kultura ng Iloilo. Sa mga unang taon ng nasabig event, kasali ang mga iskwelahan sa iba’t ibang bayan at siyudad sa Iloilo, ngunit ang cultural competition ay hindi na lamang para sa probinsya kundi sa buong rehiyon na rin upang maipakita ang pinakamagandang historical heritage ng Western Visayas.

Tampok sa festival ang Ati Tribe competition kung saan maglalaban-laban sa husay sa pagsayaw ang mga “warrior” dancers ng iba’t ibang tribo na may choreographed formation at pattern, sabay sa pagkanta Sa saliw ng tunog ng mga tambol at improvised percussion instruments na sarili nilang gawa. Sa mga unang taon ng Dinagyang, nilikha ang mga tribo sa pakikipagtulungan ng mga barangay o komunidad sa buong siyudad. Naging competitive rin sila kaya napansin na sa buong mundo, at nagsimula na rin ang mga iskwelahang gumawa at mag-organize ng sarili nilang tribo na nagpapakita ng bagong imbentong dance patterns, formation at choreography, na sinuportahan naman ng mga private companies sa gastusin para manalo sa kumpetisyon. Walang totoong Ati na kasama dito o nakinabang dito dahil maraming requirements, kasama na ang paglalagay ng uling ng mga performers ng       uling sa buong katawan upang magmukhang Ati, at pagsosoot ng kakaibang costumes. Lahat ng sayaw ay sa saliw ng tambol. Maraming tribo ang inoorganisa ng mga local high schools at sa ngfayon, may mga tribo na ring nagmumula pa sa Batanes sa Luzon at Cotabato sa Mindanao. Nakakatanggap ang mga kasaliung tribo ng subsidiary mula sa Dinagyang Foundation Inc. at sa city government ng Iloilo at sa mga private sponsors, kung saan mas malaki ang natatanggap ng pinakamahusay na tribo.  — NV