DINAMITA SUMABOG: 4 MANGINGISDA TODAS

MASBATE- APAT katao ang nasawi nang biglang sumambulat ang ginagawa nilang homemade dynamite sa sumabula sa Sitio Ipil, Barangay Buyo, Claveria sa lalawigang ito.

Sa impormasyong ibinahagi ni PNP-PRO5 Information Officer Police Major Malou Calubaquib , ipinag utos ni Bicol PNP chief Brig General Mario Reyes na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog ng dinamita at alamin ang source ng kemikal na ginamit sa paglikha ng mga pampasabog.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ryan MaÇıapao, 30-anyos; Eddie Maloloy-on Jr, 20-anyos; Jonathan Lape, 41- anyos at Roque Mar Guazon, 19-anyos, pawang mangingisda.

Sa isinumiteng ulat ng Masbate Police Provincial Office, sa inisyal na report na kanilang natanggap mula sa barangay na may sakop kasalukuyang gumagawa ng mga dinamita ang apat na nasawi para sa pangingisda nang biglang magkaroon ng pagsabog sa loob ng tahanan ni Maloloy-on.

Sa lakas ng pasabog halos nawasak ang lugar d na kinaroroonan ng mga biktima na pawing inabot ng dagliang kamatayan. VERLIN RUIZ