Dinamulag Mango Festival

Jayzl Villafania Nebre

TINATAWAG  din ang Dinamulag Festival, na Zambales Mango Festival, isang taunang pagdiriwang na ginaganap sa lalawigan ng Zambales upang pahalagahan ang masaganang ani ng manga. Una itong ginanap noong 1999 ngunit sandalling nahinto noong panahon ng pandemya. Ngayong taon, natapat ito sa aming pagdalaw sa lugar, April 21-20, kasama ang cute na cute na mango mascot.

Tinawag itong Dinamulag festival bilang pagdiriwang ng claim to fame ng Zambales sa inaning napakatatamis na mangga sa buwan ng Marso at Abril. By the way, isinabay sa Dinamulag Festival ang shooting ng “Forevermore” noon nina Jericho Rosales at Cristine Hermosa para mas authentic.

Sa tagalog, ang ibig sabihin ng damulag ay sobrang malaki, na karaniwang sinasabi at ipinapangalan sa kalabaw. Ang mangga sa Zambales ay isang variety ng manggang kalabaw kaya Dinamulag Festibal.

Sa panahon ng pagdiriwang, nagsosoot ang mga tao ng traditional mango items tulad ng mango garlands at mango earrings sa panahon ng selebrasyon. Kasabay na rin dito ang pag-aani ng mga manga na may kasamang awitan at sayawan. Meron ding mango fests at mango parades, kung saan inihihilera ng mga tao ang inani nilang manga upang ipagmayabang kung gaano karami ang kanilang inani.

Mangga ang talagang ipinagmamalaki ng probinsya ng Zambales, at kinikilala ito sa buong mundo. Matatagpuan sa pagitan ng San Marcelino at San Antonio sa Zambales, umaani na ang Rosa Farms ng napakatamis na exportable mangoes mula pa early 2000s. Ito ang pang-akit ng Zambales, na biniyayaan ng malinis na atraksyon para sa mga sumasamba sa araw, napakalapit nito sa kanlurang dalampasigan g Luzon, sa kahabaan ng West Philippine Sea.

Tahanan ito ng mga coves at isla tulad ng Anawangin Cove, Nagsasa Cove, Potipot Island, at Capones Island.

Pagdating naman sa pagkain, sikat ang Zambales sa linga. Napakasarap ng kanilang linga sweet candies dahil dito lamang ito matatagpuan.

May sarili ding bersyon ng sitsaron ang Zambales na bukod sa malutong ay hindi rin matutularan ang sarap. Tara na, pasyal tayo.