DINDI PAJARES SA NATIONAL COSTUME PARA SA MISS SUPRANATIONAL 2021

DINDI PAJARES

Umaasa ang mga Filipino na makaka­pwesto ang panlaban nating si  Dindi Pajares sa Miss Supranational 2021 pageant lalo pa at napakaganda nito sa suot na national costume.

Napakaelegante ng 28-year-old beauty queen na taga-Bataan sa suot na traditional Zamboangueña gown, na nag-angat sa kanya sa principalía (noble class) noong late 19th century. May suot din siyang mascota, traditional wear ng mga Zamboangueñas noong 1900s. Gawa ito ni Zamboanga City-based fashion designer Erich Miñoza. Ang mascota ay gawa sa anim na elemento: corpiño (silk o cotton slip), candongga (panuelo), renggue (upper garment), sobre falda (tapis), cola (the skirt), and enaguas (inner lining of the skirt). Kasama sa costume ang ginintuang headpiece na ginawa naman ni Louie Gallego.

Tinatawag na “Poderosa,” o “powerful,” nagpapakita ang national costume ni Dindi ng lakas ng Filipina. Inspirasyon ng nasabing Traje ang women empowerment, naglalayong ipahayag ang kanilang lakas, sa sining na mapapalatak ang lahat. Pula ang pinili nilang kulay na tanda ng diversity. — KAYE NEBRE MARTIN

 

399 thoughts on “DINDI PAJARES SA NATIONAL COSTUME PARA SA MISS SUPRANATIONAL 2021”

Comments are closed.