DINE-IN SA CANTEENS BAWAL, WORKPLACE PROTOCOLS SA MECQ AREAS

Spokesperson Harry Roque

NAGPALABAS kahapon ang Malaca­ñang ng workplace protocols para sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang health protocols ay ina­prubahan ni Pangulong ­Rodrigo Duterte.

Kabilang dito ang pagkakaloob ng shuttle service ng malalaking kompanya; pagsusuot ng face mask at face shield sa loob ng shuttle; pagbabawal sa dine-in sa canteens (packed food at deliveries lamang); pagbabawal sa common smo­king areas (individual smoking areas o booths sa open space lamang).

Pagsusuot ng face mask/shield kapag nasa loob ng isang kuwarto na may kasamang mahigit sa isang tao at kapag may meetings;

laging paghuhugas ng kamay at pag-disinfect sa mga lugar; at pagkuha ng temperatura ng mga manggagawa at bisita.

Ang guidelines ay ipinalabas ilang araw makaraang sabihin ni Secretary Carlito Galvez Jr., ang chief implementer ng  COVID-19 response ng pamahalaan, na ang paglobo ng bilang ng mga tinatamaan ng virus ay maaaring hindi lamang dahil sa transmission sa loob ng mass transport vehicles kundi maging sa common areas sa workplaces tulad ng canteens at smoking areas.

Comments are closed.