DINE-IN SERVICES SA NCR LIMITADO SA BAKUNADO

bakuna

LILIMITAHAN ng pamahalaan sa mga fully vaccinated kontra COVID-19 ang mga tatanggapin sa dine-in services sa Metro Manila.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ito’y kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 4 simula ngayong araw.

Sa ilalim ng naturang alert level system, 10% lamang ang papayagang kapasidad sa dine-in operations at kinakailangang ipris-inta ng mga ito ang kanilang vaccination card.

Habang ang mga hindi pa nakatatanggap ng bakuna ay papayagan naman sa al-fresco dining sa 30%  kapasidad.

Samantala, ipinagmalaki ni Puyat na 99% na ng tourism workers sa Metro Manila ang naturukan ng COVID-19 vaccine. DWIZ 882

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *