DINEKLARANG WATER PUMPS, AMMOS PALA

AMMO-1

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of  Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ang mga rifle parts, ammunitions, magazines, at mga   pistol sa isang warehouse sa Pasay City.

Sinabi ni Bureau of Customs-NAIA District Collector Mimel Talusan, na ang 35 piraso ng rifle parts ay ile­gal na pinarating sa bansa galing Hong Kong.

Napag-alaman mula kay Talusan na nadiskubre ng kanyang mga tauhan ang nasabing mga kargamento sa loob ng DHL warehouse, at idineklara ito na mga general merchandize habang ang Glock pistol, 8 Heckler at Koch pistols at 4 units na Glock magazines, at 92 pirasong live ammunitions na da-dalhin papuntang  Taiwan ay nakadeklara na mga “new water pumps.”

Ayon pa kay Talusan, ang mga kontrabando ay na-intercept sa magkaibang petsa noong Hulyo  1, sumunod ay Hulyo 4, at ang pangatlo ay Hulyo 7, 2019.

Dagdag pa nito na sa nasabing warehouse rin inabandona ang isang Air rifle at apat na pirasong Airgun accessories at gun parts na pinaniniwalaang galing sa China.

Sa tulong ng X-ray machines, hindi nakalusot sa kanilang mga kamay ang mga itinagong ilegal na kargamento sa solar panel at water pump.

Comments are closed.