DINGDONG AT MARIAN NASILAT PA SA ‘BAWAL JUDGMENTAL’

Dingdong and Marian

ANG saya-saya at ang ingay ng APT Studios nang gawin na ang popular segment ng showbiz eye“Eat Bulaga” na ‘Bawal Judgmental’ last Saturday, naging special guests  ang mag-asawang Dingdong at Marian Dantes.  Muntik nang first time na manalo ng buong 50k ang guests pero nasilat sa third question.  Iyong first two questions, nahulaan lahat ng mag-asawa kung sino ang tamang sagot among the contestants, na sumali sa QuizBee contests noong mga bata pa sila.

Bale promotion din ito ng “Descendants of the Sun” ni Dingdong na napanonood gabi-gabi sa GMA 7 after ng “24 Oras,” at si Marian naman, next week daw ay magsisimula na silang mag-taping ng bagong serye na first time nilang pagtatambalan sa Primetime Telebabad ni Gabby Concepcion, ang #First Yaya.

The other day ay nagkaroon na ng look test ang #FirstYaya at ipinakita na ang gaganap na first fa­mily, si Gabby as the Vice President of the land and later on ay magiging President kasama mga anak niya, sina Cassy Legaspi, Princess Aguilar at si Baeby Baste.  Nasa cast din sina Pancho Magno at Kevin Medina.  For sure marami pang bubuo sa cast nito.  Abang-abang na lamang kung kailan ang airing ng #FirstYaya.

TOM RODRIGUEZ PINAIYAK ANG NETIZENS

ILANG araw na  ang nakaraan, maraming netizens na sumusubaybay sa GMA Primetime Telebabad series na “Love of my Life” na nagtatampok kina Tom Rodriguez, Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez at si Ms. Coney Reyes, ang umapela sa mga writers at kay Direk Don Michael kung puwedeng huwag patayin ang character ni Stefano (Tom), lagyan daw ng twist ang story na gumaling siya sa kanyang pancreatic cancer.  Pero hindi na sila napagbigyan dahil nasa stage 4 na ang cancer ni Stefano.

At last Thursday’s episode, bumuhos nga ang luha ng televiewers habang nagpapaalam na si Stefano kay Adelle (Carla), Kelly (Rhian), Nikolai (Mikael) at sa dalawang anak niya, ang adopted son na si Andrei at si Gideon (anak niya kay Kelly) at halos hindi na umabot dumating si Isabella (Coney) at sa kanyang kandungan pumanaw ang anak.

Thursday evening naman ay naging issue ang bilin ni Stefano na gusto niyang ma-cremate ang body at walang burol na magaganap dahil ang ashes niya ay isasaboy sa kanilang farm.  Nagmatigas si Isabella na siya ang masusunod bilang ina, hindi raw mababago ang tradisyon ng pamilya kaya iuuwi niya sa Manila si Stefano at doon ibuburol, pero ipi­nilit nina Adelle na sundin ang gusto ni Stefano.  Tinawagan pa ni Isabella ang lawyer niya at sino raw ang may karapatan sa kanila ni Adelle.  Si Adelle daw, kaya lang pumayag na rin si Adelle na sundin na nila ang gusto ni Isabella.

Kaya bumuhos na ang comments ng mga netizens: “Been crying the whole time I watched” – Cerise Love “My heart still breaks for Stefano” – Hikikomori Boy “So much emotion at one scene” – Mam Say “The cast and the show itself deserve recognition and awards.” – Helaine R “Congrats to the whole cast!” – Joanne Vicente

Ang “Love of my Life” ay napanonood weeknights after “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.”