PINANGUNAHAN nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ang mga Kapusong tumanggap ng Makabata Awards mula sa Anak TV Seal Awards 2019. Sina Dingdong at Marian ay siyang kauna-unahang real-life showbiz couples na nakatanggap ng naturang award for five consecutive years, kaya elevated na sila sa Makabata Hall of Fame.
Ang iba pang Kapuso stars na nakatanggap ng Makabata Star 2019 ay sina Michael V, Alden Richards, Maine Mendoza, Bianca Umali, Carmina Villrroel and twins Mavy and Cassy Legaspi, Idol Sa Kusina hosts Chynna Ortaleza at Chef Boy Logro, Drew Arellano, Atom Araullo at Kara David.
Ang mga programa naman ng GMA Network na tumanggap ng Anak TV Seal sa Anak TV Awards 2019 ay ang “24 Oras,” “Aha!” “Pinaka,” “Pinoy MD,” “Reporter’s Notebook,” “Unang Hirit,” “Wish Ko Lang,” “Brigada,” “Good News,” “Day Off,” “I Juander,” “Investigative Documentaries,” “PopTalk,” “Wagas,” “Biyahe ni Drew,” at “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Congratulations!
BAEBY BASTE NAGLAYAS, NAGPUNTA KAY ALDEN
DAHIL kaya malapit nang mag-Christmas, gagawin nang medyo light ang mga eksena ng inspirational drama na “The Gift” ni Alden Richards? Sa ngayon kasi tatlong gabi nang napapanood si Baeby Baste at sabi’y aabot pa siya hanggang sa Tuesday evening. Loving kuya si Alden kay BaebyBaste off-camera, kaya naman natuwa si Alden ang malamang maggi-guest ito sa serye nila.
Nalaman nang naglayas sa bahay nila ang batang si Kyle (BaebyBaste) at sinundan niya si Sep (Alden) hanggang sa bahay. Kinupkop ng mag-anak si Kyle na nagtapat na umalis siya sa bahay nila dahil laging nag-aaway ang mommy at daddy niya. Pero gagawan ng issue nina Javier (Christian Vasquez) at Francine (Rochelle Pangilinan) na kinidnap daw ni Sep si Kyle at hihingi ng ransom dahil mayaman ang bagets.
Papayag ba si Kyle na kinidnap siya ng kuya Sep niya? Tinuruan kasi siya ni Sep na masama ang magsinungaling.
Ang “The Gift” ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng “Beautiful Justice” sa GMA A.
CARMINA VILLARROEL AT JOHN ESTRADA MULING MAGTATAMBAL
MULING magtatambal sina John Estrada at Carmina Villarroel sa isang upcoming GMA Afternoon Prime. Nagkaroon na sila ng story conference pero wala pa silang details kung ano ang concept ng proyekto, maliban sa ito raw ang magbibigay ng malaking break sa young actress na si Pauline Mendoza. Kasama rin nila sa cast sina Kristoffer Martin, Dave Bornea, ang StarStruck 7 first runner-up na si Lexi Gonzales at si David Licauco.
Unang nagtambal sina John at Carmina nang lumipat sila sa GMA Network, sa fantasy series na “Kara Mia” nina Barbie Forteza at Mica dela Cruz.
Nakasama naman ni Carmina si Pauline sa teleseryeng “Kambal Karibal” na gumanap niyang mga anak sina Bianca Umali at Pauline. Kambal sila pero namatay si Pauline, at bumalik bilang isang multo, na noong una ay mabait at tinutulungan niya si Bianca, pero nang ma-in love siya kay Miguel Tanfelix, naging mahigpit siyang kalaban ng kakambal.
Nagpakita ng mahusay na pagganap si Pauline, kahit sa ibang GMA shows na nag-guest siya, kaya naman binigyan na siya ng sariling project na siya na ang lead actress. Binigyan din siya ng ka-love team, si Kristoffer Martin.
Comments are closed.