INIHAYAG ng Kapuso actor at Primetime King ng GMA7 na si Dingdong Dantes ang kanyang kompirmasyon na hindi siya papasok sa politika.
Sa isang ambush interview sa GMA compound kahapon ng tanghali, sinabi ni Dingdong na may isang “elemento” na nakapagpapigil sa kanya para pumalaot sa mundo ng politika na kanyang pinaabangan pa sa kanyang social media account na ipo-post sa bandang hapon.
Ilang araw ng may mga ispekukasyon na maaaring buntis si Marian at kinumpirma nga ni Dingdong at Marian sa pagpo-post sa kanilang Facebook at Instagram account ang announcement na “We’re expecting” at photo ng ultrasound result that indeed, Marian is infanticipating.
Nauna rin dito ang mga usap-usapan na isa si Dingdong sa mga napipisil ng LP para tumakbo sa senado, pero, mas bibigyan ng Primetime actor ang pag-aalaga sa kanyang maybahay habang ipinagbubuntis nito ang kanilang ikalawang anak. Mas prayoridad ni Dingdong ang kanyang pamilya at ang darating na kapatid ni Baby Zia.