DINGDONG DANTES ‘DI RAW MATUTUMBASAN ANG SENYALES NA HININGI NIYA PARA UMURONG SA POLITIKA

dingdong

MASAYANG inihayag ng nananatiling Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na hindi raw matutumbasan ang kaligayahang kanyang nararamdaman ngayon sa sunod-sunod na biyayang dumarating sa buhay niya, kapalit ng kanyang naging desisyon noon na umurong sa pamumulitika.

Na-ambush kasi namin si Dingdong noon along with 5 other colleagues sa ground floor ng GMA7 kung saan inu­rirat namin siya kung magpa-file na ba siya ng candidacy for a government position, but without batting an eyelash, he immediately said no, and he just simply said, “abangan niyo ang announcement ko later sa aking Instagram account.”

Iyon pala ay ang announcement na buntis si Marian sa kanilang pa­ngalawang anak, which was Dingdong’s sign that he would not run for any political position.

Past forward, Marian recently delivered their second child, a bouncing baby boy na pina­ngalanan nilang Jose Sixto IV, Dingdong being Jose Sixto III. And few days after Marian’s delivery, ay inanunsiyo naman ng GMA7 na si Dingdong ang gaganap ng lead role sa pinakaaabangang Pinoy version ng Koreanovela hit na “Descendants of the Sun,” kasabay ng anunsiyo ng kanyang ika-21 taon sa GMA7.

Sobrang pasasalamat niya sa kanyang 21 years sa Kapuso sa pag-aalaga sa kanya, sa network daw siya halos lumaki, nagka-girlfriend, nagkaa-sawa, at ngayon, naka-dalawang anak, alongside his career growth na hindi siya pinabayaan ng kanyang home network. Naging producer na rin siya.

At bilang ganti, lalo raw niyang pagbubutihin ang kanyang trabaho, at susuklian ng katapatan ang pag-aalaga sa kanya na ayon sa mga Kapuso exec na hindi raw naman talaga sila nagkaproblema kay Dingdong because he has always been a professional actor and too dedicated to his craft.

Sa ngayon, wala na raw mahihiling pa si Dingdong, having a beautiful wife and adorable children, a career still on the upswing, and he only wishes he could be of service to his fellowmen, but maybe not yet this time.

Nasabi namin sa kanya, na bata pa siya, huwag siyang magmadali, enjoy muna niya while he is still young, ang family niya at career na patuloy na gu­maganda.

Kaabang-abang ang paglabas ng “Descendants of the Sun” at mukhang there is another surprise dahil hinahanap pa ng Kapuso kung sino ang ipapareha nila kay Dingdong.

Ang while waiting, he will be busy partnering with his wife Marian in taking care of their newborn son, who, from the photos on his Instagram account, Sixto IV looks like he is a mini Dingdong.

He also narrated that he was on his wife’s side while she was on labor for almost 10 hours and from his account,  witnessing how a mother delivers a child, sinabi niyang mas napamahal sa kanya si Marian sa nakita niyang pag­hihirap na mailabas sa mundo ang kanilang anak. Dapat daw pala, ‘pag nag-celebrate ng birthday ang anak, kasabay ang ina, dahil hindi biro ang magsilang. Sisiguruhin daw niya na ibibigay niya lahat ng kanyang kaya para sa asawa at mga anak.

Ka-touch!

ROTARY WHEEL AWARDS FOR PUBLIC SERVICE TONIGHT, APRIL 26 AT AYUNTAMIENTO

THE Rotary Club of Manila Fort Santiago in coordination with Aliw Awards rotary clubFoundation, Inc., (AAFI), the Filipino Academy for Movie Arts and Sciences (FAMAS) and Soroptimist International Las Pinas Central, will present its signature project , the Rotary Wheel  Celebrity Awards for Public Service to be held at the storied Marble Hall of Ayuntamiento Bldg., Bureau of Treasury, Intramuros, Manila tonight, April 26 at 6PM. Guest of honor is Senator Cynthia Villar.

Celebrities who have rendered outstanding public service in their particular fields will be honoured at rites to be hosted by RJ Ledesma and Jennifer Lee.

Ang mga performer ay ang mga sumusunod: 2016 Aliw Entertainer of the Year Gerphil Flores, other Aliw awardees Merjohn Lagaya, Jade Riccio, Carla Guevarra Laforteza, David Ezra, Reuben Laurente, Ronnie Diao, Halili Cruz Dancers and Ballet Manila Dancers.

Ang mga celebrity awardees ay sina Fr. Joey Faller, PAGCOR Chairman Andrea Domingo, PAO Chief Perside Rueda Acosta, PETA’s Cecile Guidote Alvarez, Isabela Governor Faustino Bojie Dy III, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Napoleon Marilag of Dugong Alay, Dugong Buhay, Boy Abunda, Lisa Macuja Elizalde, Shirley Halili Cruz, Dingdong Dantes, Councilor Rico J. Puno, Dr. Reynaldo Vea, RS Francisco, Gina Lopez, Artemio Lachica, Rachel Alejandro, Christine Jacob Sandejas, Ma­yor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Isko Moreno, Mayor Lani Mercado, Cong. Alfred Vargas, Cong and Mrs. Harry Ang­ping, Dr. James Dy, Dr. Lim Sanchez of Hospital on Wheels, Dante Arevalo Ang, Miguel Belmonte, Emilio Yap III, Eugene Torre, James Deakin, and Gen. Teroy Taguinod of MMDA and Atty Vince Tanada.

Ang mga kategorya kung saan nabibilang ang mga awardees ay sa Institutions, Broadcasting, Entertainment, Environment, Education, Community Service, Medicine, Journalism, Public Service, Entrepreneurship, Human Resour­ces, Sports, Road Safety, Television and Radio.

Ang tatanggap ng Emy Abuan Memorial Awards ay sina Angel Locsin at Wilson Tieng.

Mapupunta sa fund-raising event na ito sa socio-civic projects ng RCMFS, AAFI, FAMAS, Soroptomist International Las Piñas Central, na magsisimula sa pagtulong sa mga Mangyans ng Mindoro sa susunod na buwan.

Comments are closed.