DAHIL sa overnight success ng international movie na “Bohemian Rhapsody,” naging bukambibig na ulit ang pangalan ng lead singer ng grupong Queen na nagpasikat sa kantang “Bohemian Rhapsody” na si Freddie Mercury.
Mas lalong nabuhay ang alaala ng yumaong lead vocalist nang gampanan ng magaling na actor na si Rami Malek ang character ni Freddie para sa pelikulang “Bohemian Rhapsody”.
Sa pangyayaring ito ay nakipag-trending din ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kasikatan ngayon ni Rami sa pamamagitan ng paglalagay ng isang throwback pic ni Dingdong na may bigote at malaki ang pagkakahawig nito kay Freddie at Rami.
Sa kanyang caption sinabi ni Dingdong na kung puwede pa siya maging double ni Rami. Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa pagsasabing pasok na pasok si Dingdong na magdobol kay Rami.
“Puwede pa ba ako mag-audition bilang double ni Rami Malek? This photo was taken last 2014 in an attempt to sport my Dad’s mustache, -@dongdantes.”
Sa ngayon ay super busy si Dingdong sa taping ng kanyang bagong teleserye na “Cain At Abel” kasama sina Dennis Trillo, Solenn Heussaff at Sanya Lopez, ang teleseryeng ipapalit sa ‘Victor Magtanggol” ni Alden Richards.
WINWYN MARQUEZ BALIK-TELESERYE NA
SINCE tapos na ang pagiging Reina HispanoAmericana ni Winwyn ay balik na siya sa normal niyang ginagawa sa showbiz world.
Ani ni Winwyn, ngayong naipasa na niya ang korona sa Miss Valenzuela na siyang nanalong Rein HispanoAmericana 2018 ay makakapokus na rin siya sa kanyang showbiz karir.
At sa paunang proyekto ay gagawin na niya ang isang movie under Regal Entertainment and kung sakali man na mag-push through daw ang plano sa isang teleseryeng nakatakda niyang gawin sa GMA 7 ay go ang byuti ni Winwyn, waiting for go signal na lang daw ang kanyang byuti. Pagdating naman sa kanyang karir bilang beauty queen ay wala na bang balak si Winwyn na maglevel-up ng kanyang beauty queen title. Try another international beauty contest? O ‘di nga ba si Pia Wurtzbach, ilang beses din nag-try sa BB. Pilipinas Beauty Pageant bago tuluyang naging Miss Universe last 2015.
Ani ni Winwyn, feel niya talaga sumabak muli sa rampahan at kung siya ang masusunod feel niyang sumabak sa Miss Universe o dili kaya sa Miss Supranational, in which case both ang nasabing titulo ay puwede niyang masalihan kung join siya sa BB. Pilipinas. Remember sa Miss World Philippines ang kontes na sinalihan ni Winwyn bago siya maging representative ng bansa at nag-uwi ng korona bilang Reina HispanoAmericana.
Sa tono ng pananalita ni Winwyn, tila balak niya talagang sumali muli sa Bb. Pilipinas, na minsan na niyang sinalihan at nakakuha ng special awards lamang at hindi major awards.
Comments are closed.