HONORED ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes na maging bahagi siya ng makabuluhang proyekto tulad ng Istorya ng Pag-asa filmfest.
“Sa panahon kasi ngayon, kailangan natin ng mga kuwentong magbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa atin, at isa sa pinakamabisang medium ang film,” say niya.
Aniya, ang Istorya ng Pag-asa ay nagsimula bilang isang travelling photo gallery kung saan itinatampok ang mga iba’t ibang kuwento ng pag-asa ng mga Pinoy.
Offshoot din ito ng advocacy program na Araw ng Pagbasa, Araw ng Pag-asa na in-adopt ng Office of the Vice President noong nakaraang taon.
Tampok sa Istorya ng Pag-asa ang mga tunay na kuwento ng mga Pinoy at ng kanilang pakikibaka sa mga hamon ng buhay.
Mula sa 73 entries na naisumite, 15 ang napiling finalists dito.
Ito ay ang The Climbing Puppeteer ni Aunell Ross Angcos, Mclaine ni Gian Arre, Dealing With Healing ni Alyssa Bernardino, Ngiti ni Anne Custodio, Ang Gahum Sang Daku Nga Handum ni Demy Cruz, Jr., Alkansiya ni Sandra Fajardo, Liham Pagmamahal Para sa Kasalukuyan ni Jocelyn Frago, Liwanag ni Kimberly Ilaya, Gawilan ni Kelsy Lua, Overdrive ni Matthew James Pelayo, Pamilyang Bernardo ni Anna Mikaela Quizon, Ang Biyahe ni Marlon ni Florence Rosini, Dibuho ni Erriane Rojo, Persons With This Ability ni Kristel Anne Reyes at Tago ni Margaret Serranilla.
Napiling best story ang Ang Gahum Sang Daku Nga Handum, best cinematography ang The Climbing Puppeteer at best direction ang Pamilyang Bernardo.
Tinanghal na best film ang “Ang Biyahe ni Marlon” ni Florence Rosini. First runner up naman ang Tago ni Margaret Serranilla samantalang ang second runner up ay napunta sa Gawilan ni Kelsy Chua.
Tungkol naman sa napababalitang pagpapaimbulog niya sa politika, nananatiling tikom ang bibig ng aktor dito.
Sobrang happy din si Dingdong dahil malaking tagumpay sa box office ang kanyang pelikulang “Sid and Aya” (Not a Love Story).
Isang horror film ang nakatakda niyang gawin na kukunan sa Dumaguete.
Comments are closed.