NAMANGHA ang Kapuso Primetime King na si Dingdong sa isang obra maestrang ginawa ng artist na si James Permisa. Napabilib ng husto at nakatawag ng pansin kay Dingdong ang collage artwork ng kanyang imahe na ginawa ni James gamit lamang ang mga ni-recycle na mga plastic wrapper ng Ding Dong nuts. Sinabi ni James na gumamit siya ng hard plywood bilang canvas, Ding Dong wrappers, gunting at glue. Sinimulan niya ang obra sa pagguhit bilang outline ng imahe ng aktor at pagkatapos ay isa-isang idinikit ang mga ginupit niyang balat ng Ding Dong.
Excited naman makita ng personal ang artist at makita na rin ang ginawang obra. Ani Dingdong, sanay magkita sila ni James after ng enhanced community quarantine. At binati rin niya ito for a job well done.
Say nga ng actor sa isang post niya sa social media:
‘@dingdongdantes: His creativity is making me go nuts!! Hanep! When this is over, baka naman puwedeng makita in person? Gujab ka, parekoy!’
Samantala, tuloy pa rin ang pagbibigay ng ayuda sa mga medical frontliner ang mag-asawang Dingdong at Marian Rivera-Dantes. Ilan sa pinagluto na ni Marian ng meals ay mga frontliner mula sa hospitals Quezon City General Hospital, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital and Jose Reyes Memorial Medical Center.
REGINE TOLENTINO NANGANAK PA SA EDAD NA 41
MIRACLE Baby kung ituring ni Regine Tolentino ang kanyang bagong silang na anak, si Baby Rosie, courtesy of her partner na si Dondi Narciso. Sa edad na 41 ay hindi inaakala pa ni Regine magbubuntis pa siya. Hindi rin naman niya nalaman agad na may dinadala na pala siyang sanggol sa sinapupunan.
Aminado kasi si Regine na irregular ang monthly visit niya kung kaya hindi raw niya natunugan na siya pala ay nagdadalantao na at inabot pa ‘yun ng halos ng anim na buwan bago niya nalaman.
At lalong naging Miracle baby si Baby Rosie nang isilang ni Regine ang bunso sa kasagsagan ng Community Quaratine kung saan halos ang lahat ay bisi-bisihan sa pagte-test ng COVID 19. Ang masakit pa nito, hirap na nga sa panganganak si Regine ay isinilang pa niyang may pneumonia at lagnat na halos umabot sa 39.9 si Baby Rosie. kaya pinaghiwalay silang mag-ina at hindi ito nayakap ni Regine.
Nakalabas na si Regine sa ospital pero naiwan ang kanyang baby. Kinakailangan pa kasing i-quarantine ang sanggol para masiguradong hindi ito tinamaan ng corona virus lalo na nakitaan ito ng ilang sintomas ng isang taong may COVID19.
Sa ngayon ay nasa bahay na ang mag-ina at parehong ligtas sa COVID 19.
Comments are closed.