DINGDONG DANTES NAPALITAN NG MAGANDA ANG PAG-ATRAS SA POLITIKA

dingdong dantes

NAGING maganda ang kapalit ng pag-atras ni Dingdong Dantes sa politika.buzzday

Matatandaang muntik nang sumali si Dingdong sa liga ng celebrities na papasok sa politika, pero dahil pinag-isipang mabuti, ipinagdasal at ikinonsulta sa pamilya ang plano, higit sa lahat na humingi siya ng sign kay Lord, naging maganda ang resulta. He backed out from the race with the sign from God na buntis ang better half na si Marian Rivera na mas binigyan niya ng atensiyon higit sa ano pa man.

At dahil inuna niya ang pamilya, biniyayaan siya ng isang napakagandang teleserye, ang “Cain at Abel” kasama si Dennis Trillo na mapanonood on GMA Primetime.

Noong mapanood namin ang trailer, bumilib kami sa mga eksena dahil parang pelikula ang pagkakagawa, and no wonder kasi, ang supervising director ay paborito  ng famous actions stars like Philip Salvador, the late Rudy Fernandez, Bong Revilla at marami pang iba, si Direk Toto Natividad, who, by the way, used to meg Coco Martin’s “Ang Probinsiyano.”

“Kakaiba talaga ang pagkagawa,” say ni Dingdong, the fact that I am working with Dennis Trillo after a long time, and of course, si Solenn fresh from “Alyas Robinhood.”

“Cain at Abel” is an action-family drama about two brothers, Daniel and Miguel, na lumaki sa magkaibang mundo. Nagkahiwalay sila noong mga bata pa sila. Lumaki sa layaw at magandang buhay si Daniel habang si Miguel ay napapunta sa kalinga ng ina na naging mahirap at magulo ang naging buhay.

Sa pagdaan ng taon, muli silang nagkatagpo brought by mutual affections: the father who brought them apart, the mother they yearn for, and the woman they both love.

Mararamdaman ng bawat ina at ama, pamilya ang kuwento ni “Cain at Abel” na talagang inaba­ngan ang pilot episode nito at patuloy pang inaaba­ngan sa GMA Te­lebabad pagkatapos ng “24 Oras.”

Huwag bibitiw.

THAI SCAMMER MADER SITANG BLACKLISTED NA SA PINAS

NAKAPANLULUMO ang ibinalita ng ex-manager ni Mader Sitang na si Mr. Gay World Philippines mader sitang2009  Wilbert Tolentino ang kanyang pinagdaanang hirap sa panlolokong ginawa sa kanya ng Thai tranny na nanggaling dito sa bansa kamakailan.

Sa launching ng UBC Online Store na ginanap kamakailan sa Quezon City,  inilahad ni Wilbert  ang dinanas niya kay Mader Si-tang. Iniiwasan na niya sanang pag-usa­pan ang sama ng loob na dala sa kanya ng Thai transgender, pero hindi naiwasang isalaysay ang kanyang naging karanasan sa isang taong nambiktima sa kanya.

Ayaw na raw niyang alalahanin kasi hindi magandang alaala at gusto na lamang niyang ibaon sa limot.

“Wala na akong balak idemanda siya sa ating husgado dahil hindi na siya makapapasok sa a­ting bansa,” say ni Wilbert. Inaprubahan na raw ng Bureau of Immigration at blacklisted na si Mader Sitang sa Filipinas.

Masakit man tanggapin, pero, na-fake news si Wilbert, isang face news daw si Mader Sitang.  Pinagbintangan pa siya na nagpasimuno siya na isang abogado si Mader Sitang at tumulong sa mga nasalanta ng Yolanda.

“Ako ang itinuturo sa social media na nagpakalat na abogado siya, tumutulong sa Yolanda victims. Bago ko pa siya nahawakan, kumakalat na ganu’n nga na siya ay isang lawyer, which is hindi pala,” aniya. Scammer pala ang Thai tranny.

Feeling ng Mr. Gay World Philippines 2009 na parang sindikato si Mader Sitang at isa siya sa napagtripan. Naghahanap umano ito ng mabibiktima at napagtripan siya. Ayaw raw niya na makaranas pang muli ng ganoong pangyayari.

At para maka-move on siya ay focus na siya sa kanyang UBC Online store, his newest brainchild. It is more than just a one-stop shop with affordable items for beauty and skin care, cosmetics, fashion and accessories, electronics and gadgets.

Ayon kay Wilbert, everytime you go shopping at UBC Online Store, you are extending a helping hand to the needy. Proceeds from sales will go to chosen charitable institution or cause-oriented project.

May mga suporta rin aniya from personalities and social media influencers, na makatutulong sa fund raising for charity and they will be known as the UBC Ambassadors for a Cause.

The initial Ambassadors for A Cause are Sachzna Laparan for hair care, shampoo and hair serum products, up and coming heartthrob Allen Cecilio for hair styling gel and wax products and of course, Wilbert for his Sir Will Collection of Scents.

SIKAT NA AKTOR BAGSAK ANG KATAWAN;  ADDICT SA SUGAL

unknownNAKAAAWA ang sikat na actor na ito dahil parang wala sa sarili noong huli kong makita sa isang okasyon. Halos nangan-galumata na at mukhang napababayaan na ang katawan. Kahit pa sabihing may maganda siyang pinagkakakitaan sa kasalukuyan dahil may mga proyektong ginagawa sa labas ng showbiz, isang bagay ang hindi na niya maiwasan, ang pagiging addict sa sugal.

Halos magbabad na sa casino sa isang sikat na hotel ang actor na ito dahil nanalo siya ng malaki noon. Halos doon na umano tumira sa hotel ang actor hanggang sa maubos lahat ng kanyang panalo at ngayon, ang masakit, nakikitaya na lamang siya sa ibang bettors na VIP sa casinong iyon.

Imagine, nakiki-side bet na lang siya matapos niyang manalo ng mil­yon. Hindi nga raw sukat akalain ng isang VIP na isang sikat na actor na tulad niya ay sasabit na lamang sa kanya ng taya, dahil wala na siyang pang taya.

Hindi ko lubos maisip na hahantong siya sa ganoon, dahil malaki na ang ipinagbago niya noon. Nakaaa-wa dahil alam kong darating ang palo sa kanya ng langit.

Comments are closed.