SA isang post sa social media account ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ay inulan ng katakot-takot na negative comments ang larawan kung saan ay kasama ni Dingdong si Sen. Risa Hontiveros. Sa naturang photo, makikitang masayang magkaharap sina Dingdong at Sen. Risa at nilagyan pa ito ng caption na nagsasaad nang ganito:
“Happy to share the same advocacy with Sen. Risa Hontiveros.”
Marami ang nagsasabing idolo nila si Dingdong at maging ang misis niyang si Marian Rivera pero hindi naman daw nila gusto na kasama ni Dingdong si Risa sa politics o kaya sa advocacy. Kapuna-puna na rin na halos lahat ng nagbigay ng komento kay Dingdong ay pawang mga diehard supporter ng president.
May nagsasabi pang hindi nila feel ang kanilang idolo na makipagteam-up sa Liberal Party o LP. Kung matatandaan ay minsan na ring binalak ni Dingdong na sumabak sa politics at isa siya sa pinagpipilian bilang kandidato ng LP para sa senatorial slate ngayong parating na eleksyon pero sa pagbubuntis ni Marian para sa ikalawa nilang anak ay pinili na lang ni Dingdong na samahan ang kanyang asawa sa pagbubuntis nito kaysa sa sumama sa kampanya kung sakali man na pumayag siyang maging isa senatorial bet ng LP ngayong parating na eleksyon.
Who knows na baka ang naturang photo kung saan magkasama sina Dingdong at Sen. Risa ay isa sa gagamitin sanang litrato sa poster para sa kampanya ng LP?
ANDREA TORRES ENJOY KAHIT MARAMING PASA
ISA sa mga hindi malilimutang eksena na nagawa ni Andrea Torres bilang isang action star sa Kapuso Network ay ang eksena sa “Victor Magtanggol” kung saan ay nakipagsagupaan siya sa kumpol ng kalalakihan.
Halos inabot daw ang fight scene na ‘yun ng kalahating araw dahil sa rami ng kanyang nakabakbakang kawal. Ani ni Andrea, hati-hati raw nang kunan ang fight scenes na ginawa. At hindi siya nagpadobol. Hindi lang daw nagkasakitan sila ng pisikal ng mga nakabangga kundi pulos pasa pa ang inabot sa katawan ni Andrea.
Kahit nabugbog, o napasagupa sa mga kalalakihan, enjoy pa rin si Andrea lalo na nang mapanood na niya ang finish product at lumabas itong maganda. Buti naman at hindi naapektuhan ang sakit sa spine na natamo noon ni Andrea habang nagwe-weightlifting siya. Kung saan ay pinagbawalan pa nga siya ng kanyang doctor na mag-gym.
Ani ni Andrea, okey na raw ang kanyang sakit sa spine, at naging malaking tulong daw ang kanyang therapist/coach at binigyan na siya ng go signal para muling sumabak sa mga maaaksyong eksena. Siyempre pa andun pa rin ang extra care para hindi naman masaktang muli ang sexy Kapuso actress. Sa huli ay muling pumirma si Andrea ng exclusive contract sa Kapuso Network.
Say ng sexy actress, hindi na raw siya nagdalawang-isip pa ng sabihin ng GMA 7 management regarding sa renewal ng kanyang kontrata. Happy at kontento na raw si Andrea sa pangangalaga ng Kapuso network sa kanyang showbiz career.
KEVIN SANTOS NALULA SA SHOWBIZ WORLD
AMINADO na naninibago pa ang Kapuso comedian na si Kevin Santos sa atake ng comedy ng GMA sitcom na “Daddy’s Gurl” na mapapanood tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Pepito Manaloto” sa GMA-7, kung saan kasama niya sina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza.
Matagal-tagal kasing nawala sa limelight si Kevin, nag-aral siya at naging isang piloto. Ngayon nga ay mas maraming oras na binibigay ang comedy actor sa pagpapalipad ng eroplano kaysa sa pagiging artista niya.
Ani Kevin, “Ito kasing ‘Daddy’s Gurl’ may kakaibang atake na ngayon nag-a-adjust pa ako. Hindi lang dito basta magpapatawa ka, kailangan kasi seryoso ka, pero matatawa ‘yung audience.”
Gayunman, nag-eenjoy si Kevin sa kakaibang konsepto ng programa dahil kung dati ay nasa studio lamang ang sitcoms, nasa totoong location na ito ang naturang sitcom. Dagdag pa niya, marami pang dapat abangan ang mga manonood dahil may magandang kuwentong ibabahagi rin ang show.
Comments are closed.