PINANGUNAHAN ng Kapuso Primetime King at YesPinoy Foundation, Inc. Chairman na si Dingdong Dantes ang isang training program for the local stunt actors and directors sa bansa sa pakikipagkolaborasyon sa Stunt Association of the Philippines (SAP) at Seoul Action School-Korea para sa kanilang kauna-unahang international project dubbed Project #BeScene or Be Seen.
Nakipag-partner si Dingdong sa Seoul Action School, isang kilalang training association sa Korea na nagtuturo ng martial arts at iba pang physical training para sa pelikula at telebisyon. Sila ang mga tao sa likod ng award-winning at critically-acclaimed na pelikula at programa sa telebisyon tulad ng Goblin, Netflix’ Kingdom, Mr. Sunshine, Battleship Island, Train to Busan at Okja.
Bilang isang advocate ng youth empowerment and nation-building initiatives, tinipon ni Dingdong ang lahat ng stunt actors at director sa bansa para sa isang malawakang training at seminar noong Hulyo 15-21. Nagtapos ang mahigpit at malakasang programa sa isang graduation ceremony at exhibition program para sa mga lumahok na stuntmen at director kamakailan sa GMA Network Studio 4.
Nagpahayag si Dingdong ng pasasalamat sa lakas ng loob at tapang na ipinakita ng stunt performers.
“Our projects will not be successful without our stunt actors who put their lives at stake. It’s about time we honor them, who, we consider as the unsung heroes of the entertainment industry, and help them advance their skills, welfare and safety.”
Dagdag pa niya na ang napapanahong proyekto ay hindi lamang makapagtuturo sa action stars, budding stunt actors at kahit na ang out-of-school youth but also uplift the safety and welfare of the audio-visual industry by further developing the skills of the stunt people in the country.
Ang trainees ng programa ay dadaan din sa coaching mula sa Philippine Red Cross at sesertipikahan ng organisasyon para makapagbigay ng emergency response at basic first aid. Dagdag pa rin dito ang pagtuturo sa kanila ng financial literacy sa lahat ng stunt people mula sa FWD Life Insurance Corporation Philippines.
MICHAEL V MALAKI ANG POTENSIYAL BILANG DIREKTOR; SIMULA PA LAMANG ANG ‘FAMILY HISTORY’
WHILE watching Michael V’s first written, produced, directed movie “Family History,” para akong nasa highs and lows of emotions—perfect mix of drama, romance and comedy, so heart-warming which depicts values and virtues and challenged when life takes a sudden turn.
Marami raw pinaghugutan si Michael V. para mabuo ang “roller coaster” ng mga emosyon na mararanasan sa panonood ng “Family History.”
“Hango ito sa totoong buhay pero pinagsama-samang buhay nu’ng mga ibang writers, at kasama ko ang mga kaibigan ko. Minsan kahit sa magulang, humuhugot din ako eh,” say ni Michael sa isang panayam matapos ang premiere night kamakailan.
Itinuturing ni comedy genius at direktor na si Michael V. na simula pa lamang ang pelikula niyang “Family History” para sa paggawa niya ng susunod pang mga pe-likula.
“I am really proud of this movie. Gusto kong ma-share ito sa maraming tao,” na siyang nangyayari ngayon habang palabas sa mga sinehan nationwide ang pelikula niya.
“Gusto kong ipakita na kahit sinong tao can do something like this. It’s a story I want to tell and hopefully, people will learn something from it,” dagdag pa niya.
Simula pa lang daw ito ng journey and part of the journey is pain. “If this doesn’t work okay lang, gagawa pa tayo ng iba. Pero if it does, nakikita kong maganda ‘yung nagiging reaction sa cinema, so ito ‘yung magiging pondo ko sa paggawa ng susunod na project,” pahayag pa ni Michael.
Pinuri si Bitoy ng kanyang leading lady sa pelikula na si Dawn Zulueta. Malaki ang potensiyal ni Bitoy bilang director.
“‘Yung treatment ni direk, siya na ang nagsulat and I found it from the script pa lang noong binasa ko, it was interesting and I’m curious how he will actually pull this off, and you did (turning to Michael V),” sabi ni Dawn.
Full support ang Kapuso stars na mga katrabaho ni Michael V sa premiere night ng “Family History.”
“‘Yun ang design niya, roller coaster ang maging experience,” sabi ni Bitoy tungkol sa pelikula.
“Family History” is now showing on cinemas nationwide.
Comments are closed.