DINGDONG DANTES PROUD NA JUDGE SI MARIAN RIVERA SA MISS UNIVERSE 2021

PROUD na proud ang asawa ni Marian Rivera na si Dingdong Dantes na magiging bahagi siya ng Miss Universe 2021 judging panel.

Sa post ni Dingdong Dantes sa social media, sinabi nitong “Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko” na ang pinatutungkuan ay si Marian. Nag-share pa ang actor ng larawan ng kanyang asawa na may caption na: “Malinaw na malinaw, ngayon at ano mang araw, ikaw ang Miss Universe ng buhay ko.’ Naaaaks!. Always proud of you, @marianrivera!”

Sumagot naman si Marian ng ganito: “Awwwwww umuwi kana! Sobrang miss na kitaaaaaa,” dahil nasa lock-in taping si Dingdong.

Nakatanggapman ng pamba-bash si Marian dahil sa pagiging judge ng nasabing beauty contest, balewala ito sa mag-asawa na ngayon ay may dalawang anak na.

Si Marian Rivera Gracia-Dantes, mas kilala bilang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, ay sumikat dahil sa pagganap niya ng Darna. Ginampanan rin niya ang role ni Dyesebel, Amaya, at pagiging bida sa Temptation of Wife.

Ikinasal sina Dingdong at Marian noong 2014, at ang mga anak nila ay sina Zia at Ziggy.

Pupunta si Marian sa Israel sa December 12, 2021 upang maging isa sa mga judges ng 70th Miss Universe. Aniya, “honored” talaga siya sa pagpili sa kanya ng selection committee ng pageant. – KNMARTIN