DINGDONG DANTES TIKOM PA RIN ANG BIBIG SA PAGPASOK SA POLITIKA

VERY proud ang misis at anak ni Dingdong Dantes na sina Marian Rivera at Baby Letizia nang maging hot shotscommencement speaker ang actor/producer sa City of Malabon University graduation rites na ginanap sa Philippine International Convention Center kamakailan.

“In this morning`s 23rd Commencement Exercises of the City of Malabon University. I couldn’t  help but use the Black Swan theory (salamat sa inspiration, Direk Ayrin) of Taleb and relate it with the next exciting chapter of these graduates’ lives – a journey which will be filled with not only adventure but also uncertainties. Pero sa pag-akap nila ng mga “black swan” o “rare events” na darating, I also hope that they continue to live up to the challenge of becoming responsible citizens, who have aspirations that are greater than one`s self, ” bahagi ng speech ni Dingdong.

Importante kay Dingdong ang pag-aaral kaya kahit anong busy niya sa showbiz ay nagawa niyang makapagtapos sa San Beda College at sa West Negros University.

Pagdating naman sa usaping politics ay tikom pa rin ang bibig ng aktor kung papasukin na rin niya ang politika sa darating na national election next year.

Patuloy pa rin siya sa paggawa ng project sa GMA 7 at kasalukuyan pa ring palabas sa mga sinehan ang blockbuster movie nila ni Anne Curtiz na Sid & Aya (Not A Love Story).

Natawa kami sa usap-usapan ng mga intrigero at intrigera sa isang lugar na napuntahan din namin. Usapan kasi ng grupo ang pelikula nina Dingdong at Anne na dinudumog dahil sa ganda ni Anne.

Sabi ng isa ay tama lang daw si Anne ang ginawang partner ni Dingdong sa movie at huwag na raw mag-ilusyon ang iba diyan na dapat si Marian daw ang kinuha  kaysa kay Anne.

Sabi naman ng isa ay kung si Marian daw ang kinuha at hindi si Anne, baka raw ang selebrasyon ng mga namamahala sa production ng movie ay nauwi sa iyakan. Kaya nga raw blockbuster ang movie ay dahil kay Anne na marami pa rin daw nababaliw sa ganda ng actress.

Marami pa silang tsikahan na kaaliw pero ‘di ko narinig pa dahil kailangan ko nang umalis.

Congrats sa movie nina Dingdong at Anne. Kahit ‘di kami naimbita sa presscon ay alam na namin noon ginagawa pa lang ang movie ay sure hit na ito sa takilya. Hindi kami nagkamali.

Ang nakakatakot na movie na ilalabas sa mga sinehan na 50/50 ang chance na kikita sa takilya ay ang pinagsama-samang baguhang bagets ang mga bida.

ANNE CURTIS AT VICE NAGLAGLAGAN NG SIKRETO

anne-viceNAGTSIKAHAN at naglaglagan ang magkaibigan na sina Anne Curtis at Vice Ganda sa bagong segment ng Gandang Gabi Vice na LOL Trip.

Unang nagpasabog si Anne nang ikuwento niyang  nakipag-away siya sa ex-boyfriend habang nasa loob sila ng kotse na nauwi sa pagwo-walk out ng actress.

“Basta naalala ko ‘yung phone talaga nandiyan o. Tapos nag-pop up ‘yung pangalan ng isang babae. Tapos ‘yun na nga sinabi, “Where you?” Sabi ko, “Where is this?” Ayan, away talaga sa loob ng kotse. Ang ginawa ko, bumaba ako. Nag-ano ako, “I`m walking!”

Hindi pinangalanan ni Anne ang ex at ang babae pero binuko naman ni Vice na parehas silang artista ng guy. Si babae naman ay hindi na raw active sa showbiz.

Ikinuwento naman ni Vice kung paano siya magtago sa tuwing mag-drive through  sila ng dating nob­yo. Todo tago raw siya ng mukha para hindi makilala ng mga staff ng fastfood.

Nang tanungin ni Anne kung artista rin daw ba ang kanyang nobyo? Sagot agad ni Vice, “celebrity rin siya pero sa ibang field.”

Pero ang pinakapa­sabog ni Vice sa LOL Trip ay ang pag-amin niya na “nagsimba siya ng walang belo” sa loob ng kotse at ito ay nangyari sa NLEX.

“NLEX? E strikto ‘yung pulis doon, ‘di ba?” gulat na tanong ni Anne kay Vice.

Ang naging tugon ni Vice, “Relax lang naman siya, nagda-drive lang naman siyang ganun e.”

Si Anne hanggang pag-amin lang na nakipag-away sa loob ng kotse at wala nang iba pang ibinulgar.

Nag-aabang kasi ang mga tagasubaybay ng Gandang Gabi Vice kung may aamining kagulat-gulat pa si Anne pero hanggang sa matapos ang bagong segment ng LOL Trip ay wala na itong binulgar.

Comments are closed.