DINGDONG DANTES TODO TRAINING BILANG SUNDALO BAGO MAG-SHOOT NG KOREAN SERYE

dingdong dantes

ILANG araw nang nagti-training si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ang showbiz eyemga kasama niyang actors na gaganap bilang mga sundalo sa Pinoy adaptation ng action-drama series, ang Koreanove­lang “Descendants of the Sun,” sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.  Base sa pictures na pino-post ng Program Manager ng show at ni Dingdong, tuloy-tuloy ang training nila, umulan man o umaraw.

Ang pagpo-post ni Dingdong ng mga nangyayari sa training ay isang pagsaludo niya sa mga co-actors na nagbibigay ng dedication nila na mag-immerse sa mga ginagawa rin ng Special Forces of the Philippines, para sa kani-kanilang role.  Para sa kanila, duty nila as actors na i-represent nang maayos at tama ang roles nila onscreen.

Dagdag pa ni Dingdong: “For actors like us, our battle ground is the set and our mission is to portray a character in the best way we can, so that the whole production can tell a story in the most effective way possible.  If our industry does well and asserts its responsibility to the Filipino people, then we know that we are humbly contributing in building a strong and progressive nation, and, at the same time, expressing our patriotism and love for our country.”

Pagkatapos ng training, magsisimula nang mag-taping ang “Descendants of the Sun” sa direction ni Dominic Zapata.

RAYVER, MEGAN AT KRIS HUHUSGAHAN NA

HUHUSGAHAN na ngayon ang “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko,” ang GMA Hanggang Sa Dulo Ng Buhay KoAfternoon Prime thrilling suspense-drama series na nagtatampok kina Kris Bernal, Megan Young at Rayver Cruz.  Second time na magtatambal sina Kris at Rayver, kaya naman comfortable na sila sa isa’t isa.  Pero ano ang pagkakaiba ng role nila nga­yon kaysa una nilang pagtatambal sa “Asawa Ko, Karibal Ko.”

“Sigu­ro po, iyong relasyon namin,” sabi ni Rayver.  “Kasi kung mahal ko si Kris sa una naming serye, dito naman ay siya ang obsessed sa akin, kahit na wala na siya, iyong ang kasama ko lagi ay isang multo.  Ang mahal ko po rito ay ang asawa ko, played by Megan Young, na lagi kaming ginugulo ni Kris.  Pero huwag kayong bibitiw sa aming story dahil naiiba pong suspense-thriller ito na maraming twists.”

Makakasama rin nila sina Kim Domingo, Sharmaine Arnaiz, Francine Prieto, Boots Anson Roa at ang child actor na si Euwenn Mikael Aleta, sa direksyon naman ni Joron Lee Monroy.  Mapapanood sila Mondays to Saturdays, after ng “Eat Bulaga.”

RODERICK PAULATE BALIK-SHOWBIZ MATAPOS MAMULITIKA

BALIK-showbiz si dating Quezon City Councilor Roderick Paulate, pagkatapos RODERICK PAULATEmatalo sa eleksyon last May 13.  Sabi nga niya sa story conference ng “One of the Bae’s” ang showbiz daw ang hindi niya makakalimutan kaya ngayong may chance siyang muling balikan ito, hindi siya nagdalawang-isip nang i-offer sa kanya ng GMA News and Public Affairs ang serye na sabi ay isang Millennial Fairytale.

Pangungunahan ito ng RitKen love team nina Rita Daniela at Ken Chan na nabuo sa kanilang Afternoon Prime series na “My Special Tatay.”  Powerhouse cast ito dahil bukod kay Roderick, makakasama rin nila sina Amy Austria-Ventura, Tonton Gutierrez, Edgar Allan Guzman, Maureen Larrazabal, Buboy Villar, Pauline Mendoza at iba pang Kapuso stars.

Tulad ng ibang ser­yeng ginawa ng GMA News and Public Affairs for GMA 7, maglu-location daw na-man sila sa Cagayan de Oro City, aboard a ship.  Nakatakda itong mapanood simula sa September, 2019.

Comments are closed.