DINGDONG MAS PINILING ALAGAAN ANG BUNTIS NA SI MARIAN KAYSA TUMAKBONG SENADOR

DINGDONG-MARIAN

IPINAHAYAG na mismo ni Dingdong Dantes na hindi siya tatakbong senador sa 2019 elections, dahil aniya, mas gusto niyang alagaan ang ikalawang pagbubuntis ng misis niyang si Marian Rivera.

Yes, dalawang “pasabog” ang pinakawalan ni Dingdong sa kanyang Facebook personal account noong Setyembre 25, 2018 — ang pagtanggi niyang tatakbo sa eleksiyon at ang kumpirmadong pagbubuntis ni Marian.

Ang dalawang isyung ito ay finally, malalagay na sa tahimik, dahil galing na mismo kay Dong ang pahayag o “official statement”.  Na sa totoo lang, about three weeks ago ay nakausap na namin si Dong saying na hindi nga siya tatakbo, pero “off the record” muna ito.

At that time na naka-chika namin ang guwapong GMA Primetime King, e wala pa ang chismax na buntis nga ang maganda niyang maybahay na si Marian, until finally, heto na’t inamin na ni Dong ang lahat.

Ani Dingdong, mas nais niyang pagtuunan ng pansin ang pag-aalaga sa pagbubuntis ni Marian, kaysa tumakbo sa eleksiyon.  Knowing Dingdong, maalaga itong asawa at ama sa kanilang panganay na si Zia, at ipinagdasal nga raw nila ang next blessing na ito.

Sa photo attached sa naturang post ay ang mag-anak, with the couple flashing their ” 2 fingers”, meaning second baby nila at magiging “ate” na nga si Zia!

Narito po ang kabuuang Facebook post mismo ng award-winning actor:

“Marami ang nagtatanong kung tatakbo ako sa darating na eleksiyon, at marami rin ang humihingi ng pormal na sagot.

“Ang pagkakataong maglingkod bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission, at tumulong sa pamamagitan ng YesPinoy Foundation at ng YesPH Community Development, ang ilan sa mga naging inspirasyon ko upang patuloy na magsilbi sa bayan.

“Pero naniniwala ako na ang pagiging “public servant” ay isang mabigat na responsibilidad na dapat pinag-aaralan, pinaghahandaan at, higit sa lahat, ipinagdarasal.

“Kung gagawa ako ng malaking hakbang para sa darating na halalan, hindi lamang isang simpleng decision-making ang dapat kong pagdaanan. I should be able to discern His Will and seek guidance.

“And in the process of my discernment, I received His response in the most surprising and beautiful way. With overflowing joy, Marian and I, are happy to share with everyone that we have been blessed with another child! Natupad na rin ang matagal ng dasal na­ming mag-asawa, lalong-lalo na ni Zia.

“At sa kabila ng buong suportang ibibigay sa akin ni Marian, ng buong pamilya, at mga kaibigan sa anumang magiging desisyon ko sa pagsabak sa politika, malinaw sa akin na sa panahong ito ay kaila­ngan kong maging buo para sa aking pamilya.

“My discernment revealed what is truly important in my life— panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa.

“Life has presented me with two good aspirations, and I can always rationalize to weigh the pros and cons.  But I know that, at this point, I am being redirected to my reason of creation— my family.

“My humble service to the public will continue and it could take a different form or level in the future; but first, I have to ensure that my home is protected and secured before I can take care of others.

“Sa aking pamilya at mga kaibigan, thank you for always trusting my judgement and direction.  Sa lahat ng nagmamahal sa amin nina Marian at Zia, na umaasang lumaki ang aming pamilya, thank you for your prayers.

“Sa lahat nang humihikayat sa aking lumaban sa darating na eleksiyon, salamat sa inyong tiwala at suporta.

“Ngayon, habang nag-aaral, naghahanda, at nag­lilingkod ako bilang isang volunteer at private citizen, umaasa akong patuloy pa rin ang ating pagtutulu­ngan para sa ikabubuti ng ating bayan, sa anumang paraan — maliit man o malaki, may posisyon man o wala.

“Nawa’y ang bawat kabataang kabahagi ng aming mga adbokasiya ay patuloy ding mangarap at maglingkod sa kanilang mga pamilya, paaralan at komunidad.

“And to all my fellow Filipinos, I am with you in believing that in times of uncertainty, God’s unfailing love will always reign supreme.

“Thank you and I humbly request for your continued prayers of protection and good health for my family, especially on Marian’s second pregnancy.”

Maligayang bati, Dong and Marian! Salute also to Dingdong na mas pinili muna ang kanyang pamilya bago ang anumang political aspirations.

Comments are closed.