DINK FAIR BIBISITA SA TAGUM CITY AT ESTANCIA DE LORENZO

DINK FAIR

TALAGANG kapana-panabik ang kauna-unahang pagbisita ng isa sa pinakamagaling na gamefowl breeder sa mundo na si DINK FAIR. Ayon kay LARRY RUBINOS, may-ari ng TAGUM SPORTS CENTER at POLOMOLOK SPORTS ARENA na siya ring nagtataguyod ng LYR CUP sa Mindanao, “ Isang malaking karangalan na maimbita ko si Mr. DINK FAIR dito sa ating bansa at ako po ay nagagalak na sa TAGUM CITY ay pupunta siya upang makapaghatid ng inspirasyon at kaalaman sa libo-libong sabungero sa Davao Del Norte.

Kasama ang TATAK EXCELLENCE, gaga­napin din ang LYR TATAK EXCELLENCE GAMEFOWL SUMMIT with DINK FAIR sa Biyernes, Pebrero 22,  isang araw na seminar, chicken talk at meet and greet kung saan darating din ang mga sikat na CHAMPIONS OF EXCELLENCE tulad nina BIBOY ENRIQUEZ at ROBIE YU PANIS, DO­YET LAPIDO, JAMES FUENTES, GALEN PACTURAN, BON BON ESTRADA, CARREON BROS., DARRYL AND JUSTIN ORBECIDO, RICHARD DUY, MICHAEL DECENA, LYNDON TABOADA, RONALD BARANDINO at JAMES SIASON, kaibigan ni Dink kung saan ipinadadala  sa kanya ng sikat na breeder ang mga natatanging palahi ni DINK FAIR.

Magbibigay rin ng aktuwal na pagtuturo sa pagkakabit ng tari sina GALEN PACTURAN at CARLO TARI MAKER NICOLAS, kasama si ROBIE YU PANIS, the first lady gaffer ng bansa. Si JAMES FUENTES naman ay magbibigay ng tips sa conditioning at pointing samantalang si Doyet Lapido  ay magtuturo ng farm management at production.Magkakaroon ng question and answer portion sa lahat ng mga CHAMPIONS OF EXCELLENCE at pa-raffle  ng stags, pullets, tari at tari accesories at marami pang iba. Si LARRY RUBINOS sa kanyang parte at bilang pasasalamat sa mga miyembro ng LYR CUP ay magpapa-raffle din ng limang motorsiklo  at appliances.

Halos kasabay ng event na ito ay ang pasabong ni Mr. Rubinos sa kanyang sabungan sa TAGUM CITY na 6 Cock/Bullstag derby kung saan garantisadong P5 MILYON ang papremyo sa napakamurang entry fee na P12,000 lamang. Sa Pebrero 23 ang grand finals. Maaari ring sumali ng straight 6 at ang entry fee rito ay P25,000.00 na. Si Dink ay inaasahan ding dadalo sa pasabong na ito at siyang panauhing pandangal upang kilatisin ang kalidad ng mga manok na pinalalahi  sa ating bansa, partikular sa lugar ng Tagum City, Davao Del Norte. Isa sa adhikain ni Mr. Rubinos ang magpamahagi ng mga manok na galing sa lahi ni Dink.  Ito ay kanyang ginawa upang maging patas ang mga labanan doon at higit sa lahat ay magkaroon ng dekalidad na materyal ang mga sabungero sa Tagum upang sila ay makalaban kahit saang sulok ng ­Fi­lipinas.

Pagkatapos nito ay tutungo sina Dink at Bonie Fair, ang kanyang maybahay, sa Isla ng Boracay. Bago tuluyang bumalik sa Amerika ay inimbitahan din ang mag-asawa ni DOC AYONG LORENZO sa kanyang napakagandang resort at event place sa SAN MATEO, ang ESTANCIA DE LORENZO.

Si Dink, marahil, ay maituturing na ring isang alamat sa pagpapalahi na ayon sa kanyang kaibigang si BOBBY FAIRCHILD  ay, “For me, Dink is the best genetic breeder there is, he produces quality fowls that most breeders around the world consider his fowls as the best there is.”

Si DINK ang nagpasikat ng mga linyadang $5THOUSAND DOLLAR LINE,, MOONWALKER at GOLDEN BOY. Isang beteranong miyembro ng United States Marine Corps na lumaban sa Vietnam war at magmula nang siya ay magretiro ay ibinuhos ang buong puso sa pagpapalahi ng mga dekalidad na  manok na naging kampeon sa iba’t ibang labanan sa buong mundo, lalo na sa Filipinas.

Comments are closed.