“NATUTUWA ako at pumayag si Dink Fair na pumunta sa ating bansa lalong-lalo na rito sa Tagum City upang magturo at magbahagi ng kanyang kaalaman sa ating mga kababayan na mahilig sa pag-aalaga ng manok panabong,” sabi LARRY RUBINOS nang siya ay tumungo sa farm ni DINK FAIR sa Amerika.
Labis na galak at isang malaking karangalan na isa sa pinakasikat at alamat na breeder galing sa Amerika ang nakumbinsi ni Rubinos, kinikilala at iginagalang na cocker/breeder/ businessman sa TAGUM CITY upang mag-conduct ng GAMEFOWL CLINIC sa mga nagpapalahi ng mga manok doon at turuan ang mga kababayan natin sa tamang pamamaraan ng pag-aalaga ng mga manok mula sisiw hanggang sabungan.
Katulong ang EXCELLENCE POULTRY AND LIVESTOCK SPECIALISTS na nagdiriwang ng kanilang ika-25 anniversary ay sasamahan si DINK FAIR sa isang GAMEFOWL SUMMIT na gaganapin sa FEBRUARY 22, 2019. Kinumbida rin ni Mr. Rubinos sina BIBOY ENRIQUEZ AT ROBIE YU PANIS, DOYET LAPIDO, LEO ENRIQUEZ, JAMES FUENTES, DANTE HINLO, ART LOPEZ, JUANCHO JR., AT IRVIN AGUIRRE, JUN HOMECILLO, CARREON BROS., RONALD BARANDINO, DOMI CORPUS, GALEN PACTURAN, MAYOR BRYAN TATA NILE GERTOS, JAMES SIASON, kaibigan ni Mr. Dink na halos lahat ng manok ay galing kay Mr. Dink, at CARLO NICOLAS ng CARLO TARI MAKER, na magdadala ng tari at iba’t ibang gamit nito. Si Carlo ay magtuturo rin ng tamang pagkabit ng tari, pati na rin ang paggawa nito.
Inaasahang dadalo rin sa GAMEFOWL SUMMIT na ito ang mga champion breeder ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Si Mr. Rubinos na siya ring may-ari ng Tagum City Cockpit ay nagtungo sa Amerika upang maghanap ng mga dekalidad na linyada sa mga kinikilalang breeder sa Amerika at isa na rito ang hinahangaan ng maraming Filipino na si DINK.
“Personal kong kinumbida si Dink Fair nang bumisita ako sa kanyang napakagandang farm sa Kentucky. Sinabi ko kay Mr. Dink na isa sa mga dahilan ng pagbisita ko sa kanya ay upang makapili ng mga dekalidad na linyada na aking papalahiin sa aking bayan ng Tagum at sa pamamagitan ng mga anak ng mga ito ay bibigyan ko at tutulungan ang mga breeder sa aming lugar upang gumanda ang kanilang linyada at makalaban sa malalaking labanan sa ating bansa. Natuwa si Mr. Dink at pumayag siyang bumisita at magbahagi ng kanyang kaalaman sa mga kababayan natin sa Tagum at siya ay darating sa Pebrero 19 hanggang sa 27, 2019. Ito po ang aking kontribusyon sa industriya ng sabong sa ating bansa at bukod pa riyan, sa tulong ng Tatak Excellence ay magtuturo sila ng mga bagong pamamaraan sa pagpapalahi, kalusugan, pagbabakuna at pag-iwas sa sakit, farm management at maging sa pagtatari at paggawa ng tari. Naniniwala ako na sa pamamagitan nito ay lalong lalaki at magtaTAGUMpay ang sabong sa akin bayan,” sabi ni Mr. Rubinos.
Si MR. DINK ay nakilala sa taas ng kanyang antas sa pagpapalahi at mga linyadang tulad ng GOLDEN BOY, 5K DOLLAR LINE, MOONWALKER AT YELLOW-LEGGED HATCH, mga subok ng linyada na hinahangaan sa US, PHILIPPINES, Mexico, Hawaii, Guam,Vietnam, Cambodia, Indonesia at Malaysia.
Halos kasabay ng pagtitipong ito ay ang napakalaking pasabong sa Tagum kung saan P5 MILLION GUARANTEED PRIZE ang ibabahagi ni MR. RUBINOS sa mga sasali sa kanyang pa-derby na 6 COCK/BULLSTAG DERBY na P12,000.00 lamang ang entry fee sa mga sasali sa 3 COCK/BULLSTAG eliminations. Ang labanan ay gaganapin sa Pebrero 12, 14, 16, 19, 21 at ang FINALS ay sa Pebrero 23. Straight 6 na sasali sa finals ay tatangapin at P25,000.00 ang entry fee na babayaran.
Ang highlights ng pa-derby na ito ay sa gabi ng Pebrero 22 kung saan makakasama ng mga sabungero sa TAGUM si MR. DINK at magkakaroon ng pagkakataong makausap at magpakuha ng litrato kasama ang kanilang idolo at mga panauhing kinumbida ni MR. RUBINOS.
Ang event na ito ay pangungunahan ng inyong lingkod sa tulong ng EXCELLENCE POULTRY AND LIVESTOCK SPECIALISTS.
Comments are closed.