(Dinner with AiAi and GMA7 execs) BOY ABUNDA NA-BASH NG NETIZENS

boy abunda

BINIGYANG-malisya ang piktyur na nai-post ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sareflection social media noong nag-dinner na hosted ng kanyang manager sa Asian Artist Agency na si Boy Abunda para sa kanya at GMA executives sa bahay mismo ng King of Talk.

Hindi ma-take ng netizens na magagawa pang magpa-dinner ni Kuya Boy sa bahay niya kasama ang Kapuso executives sa gitna ng usapin ng pagre-renew ng franchise ng ABS-CBN.

Dedma lang si Ai Ai sa comment ng netizens sa ipinost niya na piktyur sa kanyang Instagram account. Pero ‘di naman nakapagpigil ang unica hija niya na si Sophia delas Alas sa pag-post ng kanyang comment.

“Yaaaay mommy!! (2 heart emojis) To those who are commenting negative things here, nasa dinner kay kagabi? Ba’t ang dami n’yong say parang nandun kayo kagabi. (lol emoji) Stop assuming, this dinner was for my mom,” comment ni Sophia.

Na-bash naman ng netizens si Kuya Boy at pinaratangan ng kung anu-ano gaya na lang ni Tesssilo, “Bakit naman nataon na kung kelan may problema ABS tsaka nagkaroon nang dinner sa mga bossing nang GMA. Para medyo nakakalungkot.”

Eto pa ang comment ng certain Indaydex29, “Lilipat siya? Totoo ba yan? Kung kelan nagkakaganito ang ABS-CBN? Kung totoo man yan, nakaka-lungkot”

Tanong naman ng isang netizen, “Lilipat na si Boy kasi mag-shutdown na ang #ABSCBN.”

Pero mayroon din naman nagtatanggol at nakakaintindi kay Kuya Boy tulad ni  jonalithdolon—@tessilo gusto kasi ni Ai Ai.. hahaha! nag bridge siya sa GMA bosses at Boy Abunda, what an insupt right? Don’t worry, hindi ganyan si Boy Abunda…hindi siya katulad ng iba dyan na ba­limbing.”

Say naman ni Caba­ron88, “Basa-basa mga bugok, nag-host lang siya for Ms Ai Ai.”

Ang bilis-bilis talaga humusga ng netizens ‘di ba? Iba rin sila kung maka-react, huh.

A picture can really tell a thousand story, e. Pero sa true lang, that dinner is long overdue ayon sa aming source.

Last year pa raw naka-set ang dinner na ‘yan ni Ai Ai with Kapuso execs and Kuya Boy. Kaya lang, di lang matuluy-tuloy dahil ‘di magtama-tama ang schedules nila.

Until, the dinner date was set last February 21. That time, bigla namang nagkaroon ng prayer rally ang ABS-CBN.

Bukod sa date, sa isang resto raw dapat maganap ang dinner. But because kainitan na ng franchise issue sa Kapa­milya network, knows daw ni Kuya Boy kung ano ang magiging impression ng tao sa kanya.

So, say raw ni Kuya Boy gawin ang kanilang “dinner date” sa bahay na lang niya.

Pero hiling lang ni Kuya Boy, wala na raw sanang lumabas na piktyur nila.  Anu’t anuman tiyak na may sasabihin ang mga tao.

Sadly, ‘yun na nga ang nangyari at na-bash si Kuya Boy.

Apologetic naman daw si Ai Ai kay Kuya Boy sa pag-post niya sa kanyang IG account ang controversial photo.

Pero sa true lang, noon pa man ay mahilig nang mag-host ng dinner/lunch sa bahay niya si Kuya Boy, mapa-artista man, staff niya sa show or even sa mga kaibigan niyang manunulat.

Tsaka, ‘di na kaila­ngang magpa-dinner ni Kuya Boy para lang kunin ng isang network, ‘no?

Ang dami-daming puwedeng gawin ni Kuya Boy sakaling hindi na ma-renew ang franchise ng ABS-CBN. Hindi niya kailangang mag-apply para magka-show.

Sa estado ni Kuya Boy ngayon, kering-keri na nga niyang magtayo ng sarili niyang eskuwelahan.

In fact, nagagamit na ni Kuya Boy ang doctorate degree niya sa pagtuturo sa mga nagpapa-private class, and even sa mga libreng public workshops, sa kanya on public speaking.

One time naikwento ni Kuya Boy na mayroon siyang tinuturuan ng public speaking, one-on-one class sa isang executive ng malaking kompanya sa bahay nito sa Forbes Park, Makati City.

So, alam ninyo na kung magkano ang TF ni Kuya Boy. Hahaha!

At sa mga pangba-bash sa kanya ng netizens, it seems nothing or no one can hurt or affect him that much after the passing of her beloved mom, Nanay Lesing (Licerna  Romerica Abunda).

Pagdating naman sa loyalty niya sa ABS-CBN, kailangan pa bang i-explain?

At para patunayan na ‘di nalamatan ang relasyon ni Kuya Boy sa Kapamilya execs  dahil sa.lumabas na dinner picture, inimbitahan nila si Kuya Boy na sumama sa kanila sa magaganap na hearing ng ABS-CBN’s franchise sa Congress on March 10, say pa ng aming source.

Samantala,  panoorin ang episode ng isa sa longest at multi-awarded public affairs shows on television, ang “The Bottomline with Boy Abunda,”  ngayong Sabado, 11:30 ng gabi sa ABS-CBN.

Comments are closed.