DINOSPORDOS NI MISTER: MISIS PATAY, 2 ANAK KRITIKAL

dos por dos

CATANDUANES-IDINEKLARANG dead on arrival ang isang ginang habang nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawang anak nitong  menor de edad matapos hatawin ng kanilang  pad­re de pamilya sa Barangay Francia, Virac ng lalawigang ito.

Ayon kay  P/Maj. Antonio Perez, hepe ng Virac PNP, agad din naaresto ang suspek na kinilalang si Joevinal Delos Santos na nagtangka pang manlaban.

Agad na isinugod sa EMBC hospital ang misis ng suspek subalit patay na ito ng idating habang kapwa nasa malubhang kalagayan naman ang mga anak na hindi na pinangalanan sa Immaculate Hospital.

Nagtamo ng sugat sa ulo, mukha at iba pang bahagi ng katawan ang mga biktima dahil sa dos-por-dos na kahoy na pinampalo ng suspek.

Nabatid na humingi ng tulong sa pulisya ang mga kapitbahay nang masaksihan kung paano hinahataw ng lasing na suspek ang kanyang mag-iina.

Inabutan ng mga awtoridad na  nakahandusay at duguan na ang katawan ng mga biktima at namataan ang nagtatagong suspek na pilit pinasusuko ng mapayapa subalit nanlaban ito kaya napilitang paputukan ito ng mga pulis.

Dito na naaresto ang suspek at dinala sa ospital para sa atensiyon medikal kasama ang mga biktima lulan ng MDRRMO Ambulance ng Virac at Philippine Red Cross volunteers.

Samantala, mismong ang Virac PNP na ang magsasampa ng kasong Murder, Frustrated Parricide (2 Counts) at Assault upon Agent in authority laban sa suspek. VERLIN RUIZ

222 thoughts on “DINOSPORDOS NI MISTER: MISIS PATAY, 2 ANAK KRITIKAL”

  1. 378642 704901Hello! I could have sworn Ive been to this internet site before but after browsing by means of some with the post I realized it is new to me. Nonetheless, Im definitely happy I discovered it and Ill be book-marking and checking back often! 702653

  2. 8593 141257So could be the green tea i buy in cans the same as the regular tea youd buy to put inside your morning cup? Ive been told is just normal green tea made to be cooler, but does it have any affect as far as not speeding up your metabolism as quickly as normal hot green tea? 938669

  3. 238674 36200There exist a couple of many different distinct levels among the California Weight loss program and each and every a person is pretty crucial. You are procedure stands out as the the actual giving up with all of the power. weight loss 648318

Leave a Reply

Your email address will not be published.