DINUKOT NA ARMY RESERVIST PINUGUTAN

dinukot

NATAGPUAN na nakasilid sa loob ng styro box ang pugot na ulo ng isang 37-anyos na Phi­lippine Army reservist na napaulat na dinukot ng mga armadong lalaki noong Huwebes ng hapon sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang biktimang si Oliver Ignacio ng Cabrera St. Brgy. San Roque,  empleyado ng local government ng Navotas City at nakatalaga sa Public Safety Management Office ay dinukot bandang alas-4:45 ng hapon sa harap ng Navotas City Im-pounding Area sa C-4 Road, Brgy. BBN ng armadong lalaki na nagpanggap na pulis.

Sa salaysay ng ka-trabaho ng biktima na si Edgardo Roxas, 49-anyos na habang nag-uusap sila sa harap ng Impounding Area nang may biglang pumaradang na itim na Mitsubishi Montero na walang plaka at dalawang motorsiklo malapit sa kanila.

Tatlong armadong lalaki ang bumaba sa sasakyan at isa mga ito ang nagsabi kay Roxas na may warrant of arrest kontra kay Ignacio bago sapilitang kinaladkad ang biktima papasok sa Montero saka humarurot patungong Manila area.

At kahapon ng ala-6 ng umaga, natagpuan ng isang tricycle driver ang isang styro box sa kanto ng Florentino Torres at Soler Streets sa Sta Cruz Manila at nang buksan ay tumambad ang pugot na ulo ng isang lalaki.

Nakikipag-ugnayan na Navotas police investigators sa Manila Police homicide investigators para sa posibleng pagkakilanlan ng mga suspek na sa-pilitang dumukot sa biktima habang inaalam pa ang motibo sa natu­rang insidente. EVELYN GARCIA

11 thoughts on “DINUKOT NA ARMY RESERVIST PINUGUTAN”

  1. 743509 566058Youre so cool! I dont suppose Ive learn anything like this before. So good to discover any person with some authentic thoughts on this topic. realy thank you for starting this up. this site is something that is wanted on the internet, someone with slightly bit originality. useful job for bringing something new towards the internet! 726413

  2. 736743 664155Considerably, the story is in reality the greatest on this noteworthy subject. I agree along with your conclusions and will eagerly watch forward to your next updates. Saying nice 1 will not just be sufficient, for the great clarity inside your writing. I will immediately grab your rss feed to stay privy of any updates! 721772

Leave a Reply

Your email address will not be published.