DINUKOT NG NPA NATAGPUAN PATAY

CAGAYAN- WALA ng buhay nang matagpuan ang isang 24-anyos na lalaki na pinaniniwalaang dinukot ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa isang bakanteng lote sa Sitio Altas, Brgy. Dungeg, Sta Teresita sa lalawigang ito.

Base sa report, ang dinukot ay nakilalang si Mark Angelo Asuncion ng Barangay Sta. Clara, Gonzaga, Cagayan.

Dinukot si Asuncion ng mga miyembro ng NPA na dalawang taon na ang nakakaraan.

Sa pagsasanib-pwersa ng 95th Infantry Battalion (IB), 5th Mechanized Infantry Battalion, Cagayan PNP, Regional Mobile Force Battalion 2, SOCO at Marine Battalion Landing Team 10 at isang dating rebelde ay natunton ang katawan ng biktima sa isang bakanteng lote sa Sitio Altas, Brgy Dungeg, Sta Teresita, Cagayan.

Nitong Agosto 21, 2021, habang abala sa paglalakad ang biktima papunta sa kanyang kaanak sa Barangay Rebecca sa bayan ng Gonzaga ay bigla na lamang itong hinarang ng isang grupo na lumabas sa pag-iimbestiga na isang grupo ng NPA.

Kasalukuyan nang nasa pamilya ang bangkay ng binata habang tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Gonzaga ang agarang tulong at maayos na li­bing.
EVELYN GARCIA