(Diokno sa Chinese loans:) WALANG KAPALIT NA LUPA

diokno

TINIYAK ni Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi mag sisilbing kolateral ang pinagaagawang South China Sea para sa mga utang ng Filipinas sa China

“Hindi naman natin ipinapangako ‘yung gano’n, ‘yung bibigyan ng lupa. Ito na lang, in return for our loan? Walang ganoon. Walang ganoong conditionality. Talagang straightforward loan,” pahayag ni Diokno.

“‘Yung terms… Walang mga lupa, lupa o fisheries na ipinangako,” dagdag ng kalihim.

Iginiit din ni Diokno na hindi mababaon sa utang ang bansa sa Beijing dahil ang administrasyong Duterte ay maingat sa pagpasok sa mga loan agreement.

“In our case we were very careful, it goes through a very rigorous process. We go through the NEDA (National Economic and Development Authority),” aniya.

Kumpiyansa si Diokno na hindi ang Filipinas ang pinatatamaan ni United States Vice President Mike Pence nang magbabala ito hinggil sa pagpasok sa loan deals sa China.

“He’s talking of some countries. I don’t wanna name them. The Vice President is referring to other countries, not us. Definitely not us,” ani Diokno.

Inakusahan ni Pence ang China na ginagamit ang ‘debt diplomacy’ upang mapalawak ang kanilang impluwensiya sa buong mundo, at binigyang-diin na ito lamang ang makikinabang sa loan deals.

Si Chinese President Xi Jinping ay nakatakdang bumisita sa Filipinas sa ­Nobyembre 20-21, kung saan hindi bababa sa 10 financing deals ang ina­asahang lalagdaan.