DIONES PAMBATO NG ATHLETICS SA SEAG

Mark Harry Diones

ISA sa mga inaasahang magwawagi ng gold medal sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa si Mark Harry Diones dahil sa husay nito sa long jump at triple jump.

“The guy has the natural talent in his favorite events. For sure, he will be inspired and determined because the SEA Games will be held in the Philippines,” ayon kay Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip E. Juico.

“The locals are capable of winning aside from Fil-Am athletes like Eric Shawn Cray and Trenten Beram,” sabi pa ng dating Philippine Sports Commission chairman.

Magugunitang nagtala si Diones ng dalawang Philippine records sa triple jump (16.70 meters) kung saan tinalo nito sina Muhammad Hakimi ng Malaysia (16.06 meters) at Sanjaya Sandaruwan (15.69 meters) ng Sri Lanka sa foreign-laced National Open Invitational Athletics na ginanap sa Ilagan, Isabela.

Matapos magtala ng panibagong PH record na 16.29 meters sa triple jump sa sa PSC-PATAFA weekly relay sa UItra,  muling binura ng 23-anyos na si Diones ang kanyang record at nagtala ng 16.70 meters.

Si Diones ay dalawang beses na na­ging MVP sa NCAA noong 2013 at 2015 at itinanghal na ‘best athlete’ ng Jose Rizal University kung saan ginabayan ni national coach Jojo Posadas ang Mandaluyong- based  Heavy Bombers sa limang sunod na overall cham­pionship sa athle­tics mula 2010-2015.

Nagtapos si Diones, tubong Libmanan, Ca­marines Sur, ng criminology at isinama ni Juico sa national team.

Si Diones ang pambato ng Filipinas sa long jump at triple jump sa SEA Games matapos magretiro si dating national record holder Joebert Delicano at naging national coach.

Bukod kay Diones, ang iba pang medal potentials ay sina Aries Toledo, Anfernee Lopena, Marco Vilog, Jomar Udtohan. Lemuel Camino, Christian Archand Bagsit at Edgardo Alejan.                         CLYDE MARIANO

Comments are closed.