DIPLOMATIC PROTEST IKAKASA ULIT NG DFA

MULING maghahain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng panibagong diplomatic protest laban sa China.

Kasunod ito ng pangha-harass ng CCG sa mga barko ng Pilipinas sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, malinaw na legal at may karapatan ang Pilipinas sa Scarborough Shoal kaya hindi umano maintindihan kung bakit paulit-ulit itong ginagawa ng higanteng bansa.

Giit ng opisyal, mananatili ang stand ng Pilipinas sa nasabing bahagi ng karagatan, kahit anuman ang sabihin ng Beijing.

Samantala, kinondena ni Senador JV Ejercito ang panibagong pagbomba at pagharass  sa BRP Datu Pagbuaya habang nagsasagawa ng routine patrol malapit sa Bajo de masinloc.

Iginiit ni Ejercito na mariing paglabag sa international law at sa soberanya ng Pilipinas ang panibagong pambu-bully na ito.

ALIH PEREZ