DIPLOMATIC PROTEST KONTRA CHINA IPINAUBAYA NG PALASYO SA DFA

harry roque

IPINAUUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang susunod na hakbang hinggil sa isinumiteng diplomatic protest nito laban sa China kaugnay sa ulat na may presensiya ng 200 Chinese militia vessels sa West Philippine Sea.

Ayon kay  Presidential Spokesman  Harry Roque, noong Marso 21 ng gabi ay nagsumite na ng  diplomatic protest ang DFA laban sa China at kung ano man ang nilalaman nito ay posisyon na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi na kailangan pa ng sariling pahayag ang Punong Ehekutibo.

“The diplomatic protest was filed for and in behalf of the President, a chief architect of foreign policy in the Philippines,” ayon kay Roque.

Paliwanag pa ni Roque, ang DFA ang kumakatawan sa posisyon ng bansa na alinsunod naman sa foreign policy ng pamahalaang Filipinas.

“So, that by itself speaks for the President,” dagdag pa ni Roque.

Una nang isinumite ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang protesta makaraang irekomenda ito ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.at makipag-coordinate sa 220 Chinese vessels na namataan sa  Julian Felipe Reef (Whitsun Reef) noong Marso 7.

Pagtitiyak naman ni Roque na alinsunod sa international law ang magiging hakbang ng Filipinas laban sa China. EVELYN QUIROZ

One thought on “DIPLOMATIC PROTEST KONTRA CHINA IPINAUBAYA NG PALASYO SA DFA”

  1. 782963 117923Top rated lad speeches and toasts, as nicely toasts. could extremely well be supplied taken into consideration generating at the party consequently required to be slightly a lot more cheeky, humorous with instructive on top of this. greatest man speeches funny 457894

Comments are closed.