DIPLOMATIC PROTEST VS CHINA

NAGHARAP ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China makaraang gumamit ng flare gun ang huli sa aircraft ng militar na nagpapatrulya sa Union Banks.

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. chairman ng National Task Force for the West Philippines Sea, nangyari ang insidente noong Hunyo.

“I recalled an incident last June 2021 when flares, not gunshots of any caliber, were fired at an Armed Forces aircraft,” pahayag ni Esperon.

Pinauulan ang flares bilang signal sa mga eroplano, sasakyang pandagat.

Sinabi pa ni Esperon na may dalawang Chinese detachments sa Union Banks area.

Patuloy aniya ang pagsubaybay sa presensiya ng marine scientific research vessels na pinatatakbo sa West Philippine Sea sa pagpayag ng Pilipinas, ngunit kuwestiyon naman sa Department of Foreign Affairs.

Kasabay nito ay sinabi ni Esperon na muling gagawing aktibo ang marine research center sa Pagasa Island.

Maari rin na makipagtulungan ang Pilipinas sa ibang mga bansa para sa marine research upang lalong mapag-aralan ang pagprotekta sa West Philippine Sea.

Uunahin munang makipagkooperasyon sa mga bansang miyembto ng ASEAN.

Mas marami ring barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, ang ide-deploy sa lugar sa 2022 ganoon din ang infrastructure projects, tulad ng airfields, ports na itatayo malspit sa WPS.

Buwan ng Hunyo nang bumisita ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines savPag-asa Island para sa paghahanda sa pagtatayo ng logistics hub sa lugar.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagsampa ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China.

Taong 2016 nang manalo ang Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands sa pagmamay ari ng isla, subalit hindi ito kinilala ng China.

82 thoughts on “DIPLOMATIC PROTEST VS CHINA”

Comments are closed.