DIPLOMATIC PROTOCOLS PARA SA OFWs

PINASISILIP  ni House Committee on overseas Filipino workers Chairman Jesulito Manalo ang diplomatic protocols ng bansa sa pagbibigay proteksiyon sa mga OFW.

Ayon kay Manalo, kailangang tiyakin ng POEA na may existing bilateral agreement ang isang bansang pinapadalhan ng  Filipi-no workers.

Pinatitiyak din ng kongresista sa gobyerno na ang isang bansa ay dapat may umiiral na international convention na sumusunod sa standard sa pagbibigay seguridad at pagsusulong sa karapatan ng migrant workers.

Mahalaga aniya na mapanatiling malakas ang diplomatic ties ng bansa sa lahat ng host countries na may mga OFW.

Layunin ng House Resolution 1829 na inihain ni Manalo na hindi na maulit  ang sitwasyon ng mga naabuso at napatay na OFWs sa Kuwait.  CONDE BATAC

Comments are closed.