Ni PAUL ROLDAN
NAMANGHA at umani ng papuri kay Vice President Leni Robredo at ilan pang mataas na opisyal ang isang babaeng eskultor at direktor ng Museo ng Maynila na si Dir. Liz Villaseñor dahil sa ipinakita nitong natatanging talento at adbokasiya na mapayabong ang industriya ng sining sa bansa.
Personal na binisita ng ikalawang pangulo maging ni H.E. Rodrigo do Amaral Souza, Ambassador of Brazil to the Philippines, ang “A Fleur Blooms” – One Woman Sculptural Works ni Dir. Liz Villaseñor na siyang First Solo Exhibition nito bilang isang Sculptor artist sa Amorsolo Room GSIS Museo ng Sining na nagsimula noong Mayo 7 hanggang Hunyo 2, 2019.
Ayon kay VP Robredo, isang natatanging talento ang ipinakita ni Villasenor kung saan bihira aniya ang mga kababaihan na pumapasok sa sculpting dahil liban sa maaari itong ikasugat ng mga kamay, ay kakaunti lamang din ang sumusubok sa nasabing propesyon.
“This is so Impressive and wow it’s not impossible for a woman now a day to sculpt, look at you I can’t imagine but of course nasa kamay ‘yan,” wika ni VP Robredo.
Isa rin aniya ang sining, partikular ang sculpting sa mga dapat pagtuunan o bigyang pansin ng pamahalaan dahil ito ang nagpapayabong ng ating kultura at nagbibigay kahalagahan sa ating kasaysayan.
Bumandera sa nasabing art exhibit ni Villaseñor ang 43 na unique at hand-crafted sculpture nito na tinatayang aabot mula dalawang linggo hanggang ilang buwan batay sa laki bago matapos ang bawat obra.
Pawang gawa sa plaster at ang isa sa kapansin-pansing obra niya ay ang head sculpt ni dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na nagpapakita ng makisig na kabataan ng alkalde.
“Liz Villaseñor’s involvement with art is not limited to the difficult job of running the Museo ng Maynila. She is also a gifted and talented painter and sculptor. Her debut as a sculptor shows a promising talent with a bright future ahead,” ayon naman kay Amb. Souza.
Nang tanungin kung ano ang naging inspirasyon ni Villaseñor upang pasukin ang mundo ng sining, sinabi niya na “It was just a Challenge Accepted thing that made me pursue sculpting.”
Liban pa sa posisyong kanyang hinahawakan, siya rin ang founder at appointed secretary ng Tagapagtaguyod ng Sining at Kultura ng Pilipinas (TSKP) na samahan ng mga Filipinong artist sa bansa na may layong umagapay sa mga alagad ng sining at mapayabong ang industriya nito sa Filipinas.
Magugunitang unang ginanap ang exhibition ng TSKP na may temang ‘Binhi ng Sining at Kultura, Pamana ng Republika’ noong Pebrero 8-14, 2019 sa Bulwagang Villegas, Manila City Hall kung saan iba’t ibang mga Pinoy artist ang nagpakitang gilas ng kani-kanilang mga obra kabilang si Dir. Villaseñor.
Ilan rin sa bumisita at nagpahayag ng suporta sa art exhibit ng direktor ay si Rotary Club of Ermita Manila Inspiring President Nora Zaugg na nagsabing hindi lamang masipag na public servant si Villaseñor dahil naiiba rin ang kanyang mga estilo at disenyo sa kanyang mga obra.
Masaya naman ang direktor na marami ang nagiging inspirado sa kanyang mga obra at nais na ring subukan ang sculpting habang hinikayat niya ang publiko na mahalin ang ating kultura maging ang gawang likha ng mga Filipino artist.
“A concerted effort to preserve our heritage is a vital link to our cultural, educational, aesthetic, inspirational, and economic legacies – all of the things that quite literally make us who we are. I’m very happy to hear that my artwork inspires museum goers and students. It’s the most beautiful compliment, the greatest reward,” wika ni Villaseñor.
Dagdag pa niya, “Art can speak things that can’t always be said with words. Through your craft, you help others to evoke and validate their emotions, providing comfort that we are not the only ones feeling a certain way.”
Si Ms. Villaseñor ay isa sa mga inanyayahang dumalo sa Day of Russia ni Ambassador of the Russian Federation to the Philippines H. E. Igor Khovaev, na ipagdiriwang sa Hunyo 7 sa Shangri-La Hotel, Makati City.
Comments are closed.