SUMAKABILANG buhay na ang kilalang direktor ng mga horror movie na si Christoper Ad Castillo sa edad na 54.
Si Castillo ay na-cardiac arrest sanhi ng komplikasyon ng kaniyang sakit na diabetes, sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, ayon sa kaniyang tiyuhin na si John Ad Castillo.
Kasalukuyang ginagawa ni Castillo ang classic horror movie ng kanyang ama na “Patayin sa Sindak si Barbara” na pagbibidahan sana nina Natalie Hart, JC de Vera at Mariel de Leon.
Wala pang anumang detalye ang inilalabas kung saan ibuburol ang direktor.
Nasa dugo ni Castillo ang pagiging magaling na direktor dahil siya ay anak ng batikang direktor na si Celso Ad Castillo.
Si Castillo ang nasa likod ng mga pelikulang “In Darkness We Live,” “The Diplomat Hotel” at “The Sky Is Falling.”
Comments are closed.