DIREK AL QUINN YUMAO NA

DIREK AL QUINN

SUMAKABILANG BUHAY  na ang beteranong TV at stage director na si Al Quinn sa edad na 86.

Sa isang Instagram post, nagpaalam ang entertainment writer at manager na si Noel Ferrer kay Direk Al, na ang totoong pangalan ay Alcuin Pastrano.

“WOKE UP TO THIS SAD NEWS ABOUT TITO AL QUINN,” sani ni Ferrer sa kanyang  Instagram post.

Ipinakita niya ang mga larawan ng direktor na kasama si Ryan Agoncillo at ang yumao na ring Comedy King na si Dolphy.

“Back in the day when I was doing writing for TV specials – awards nights, pageants, tributes, etc, I have worked with this very cool, funny and respected director we loving call Tito Al Quinn,” kwento ni Ferrer.

“REST IN PEACE TITO AL!!! Thank you for being a happy part of my 30 Years In Media!!!” dagdag pa niya.

Hindi binanggit ang dahilan ng pagpanaw ni Direk Al.

Bago sumabak  pagdidirek sa entablado at telebisyon, nagsimula muna bilang dancer at choreographer sa Manila Opera House si Direk Al.Binigyan ito ng pangalang Al Quinn ng namayapa na ring aktor na si Pancho Magalona.

Kabilang sa kanyang dinirihe ang “The Good Father” at “Jack and Jill and John”, na parehong ipinalabas noong 1975.

Isa ring visual artist si Direk Al na nagtapos  ng Fine Arts sa University of Santo Tomas.

Comments are closed.