PROUD ang box-office director ng romcom movies na si Antoinette Jadaone, dahil nominado ng top acting honors sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa pelikulang “Love You To the Stars and Back” na kanyang idinirek sa Star Cinema sa ika-66 na edisyon ng Famas.
“Sobrang happy po ako sa kanila. Sobrang nakaka-proud,” pakli niya.
Thankful din siya sa Famas dahil napansin siya at nominado bilang best director para sa naturang pelikula.
Nagpapasalamat din siya kina To FARM Film Festival director Bibeth Orteza, Managing Director Joey Romero at Selection Committee chairperson Raquel Villavicencio sa pagpili sa kanya bilang miyembro ng namili ng Magic 7 finalists sa 3rd Tofarm Filmfest.
Dagdag pa niya, sobra siyang na-impress sa mga entries na isinumite sa Tofarm na halos wala siyang itulak-kabigin.
“Sa pagbabasa ng mga iskrip, marami rin po akong natutunan bilang filmmaker,” aniya.
Naging parehas din daw ang naging proseso ng kanilang pagpili.
“Iyong nagsa-submit kasi ng iskrip dito, walang pangalan, to be fair. So, idya-judge mo iyong iskrip base sa iskrip hindi dahil ito ay isinulat ni gan-ito na kailangang ipasok natin, so natutuwa ako sa ganoong proseso na tinatanggal ang pangalan kapag binabasa na namin para maging objective,” aniya.
Hirit pa niya, wala rin daw natunugan na kakilala sa mga kalahok base sa istilo ng kanilang pagkakasulat.
Ni hindi rin niya napansin kung merong mga dating naging kalahok sa nakaraang edisyon ng ToFarm na nagsumite ng kanilang entries.
Nilinaw naman niya na kahit noong hindi pa siya napipiling maging bahagi ng selection committee ay di nila naisip ng partner niyang si Dan Ville-gas na sumali.
“Walang entry si Dan, kasi part siya ng jury. Ako naman, hindi ako ganoon kabilis magsulat. Mas matagal din akong magsulat,” ani Direk Antoi-nette.
Ang Tofarm Filmfest, na nasa ikatlong taon na niya ay isang brainchild ng socio-enterpreneur na si Dra. Milagros How, President at CEO ng Uni-versal Harvester, Inc.
For your comments/reactions write toartzy02@yahoo.com.
Comments are closed.