Direk Darryl tuloy ang work kahit persona non grata sa QC

UUMPISAHAN  na ng kontrobersyal director na si Darryl Yap and pelikulang, “ Maid in Malacanang” na maglalarawan sa mga huling araw ng pangulong Ferdinand E. Marcos at kanyang pamilya sa Malacanang. Ang pelikulang ito ay base sa nangyari noong 1986.

Ang napiling pumapel bilang President Ferdinand E Marcos ay ang beteranong drama action star na si Cesar Montano habang ang kanyang anak kay Teresa Loyzaga na si Diego ang papapel bilang President-Elect Bongbong Marcos. Ang aktres beauty queen na si Ruffa Gutierrez ang siyang maging dating unang ginang Imelda Marcos. Ang mga magandanag artista na si Ella Cruz ang siyang napili bilang Imee Marcos habang si Cristine Reyes ay syang maging Senador Imee Marcos. Ang Grand Slam Best Actress na si Elizabeth Oropesa ang papapel bilang isa sa mga katulong sa Malakanyang kasama sina Karla Estrada at Beverly Salviejo.

Kapakapanabik ang pelikulang ito dahil makikita natin ang tension sa pamilyang Marcos habang nilisan nila ang Malakanyang. Ano kaya ang mga nangyari sa mga huling araw ng mga Marcoses sa loob ng Malakanyang?

NADINE LUSTRE AT LISA SOBERANO MAGSASAMA SA ISANG PELIKULA
Ang kontrobersyal na aktres na si Nadine Lustre ay magbalik pelikula na pagkatapos nyang nanirahan sa Siargao ng matagal na panahon para bigyan ang sarili ng katahimikan pagkatapos ng kaso niya sa Viva Entertainment at paghihiwalay nila ng ka labtim nyang si James Reid. Si James ay kasalukuyang nasa Amerika para tuparin ang kanyang pangarap na Hollywood career. May manager na syang napipisil para sa singing career nya. Balik kay Nadine, pagkatapos na makipagusap ang lawyer niya sa Viva naplantsa na ang kinks na namamagitan sa kanila tungkol sa kanyang kontrata. Ngayon nasa iisang management na sila ng karibal niya sa kasikatan na si Liza Soberano. Maituring na sila kasama si Kathryn Bernardo ang mga maiinit na artista sa kasalukuyan. Matutuloy na ang pinapangarap ng kanilang mga tagahanga na pagsamahin sila sa isang pelikula. Sila na kaya ang susunod na Nora Aunor at Vilma Santos or ang susunod na Maricel Soriano at Sharon Cuneta? Abangan

DIREK ROMM BURLAT NAGTAMO NG TATLONG AWARDS KASAMA ANG BEST DIRECTOR OF THE YEAR SA 8th WORLD CLASS EXCELLENCE JAPAN AWARDS
Ang Pilipino Mirror columnist na si Direk Romm Burlat ang tinanghal na Best Director of the Year sa katatapos lang na World Class Excellence Japan Awards na idinaos sa Heritage Hotel noong akinse ng Hunyo.

Dahil sa kanyang obra na “Minsa’y Isang Alitaptap” na kasalukuyang may 54 na awards sa iba’t ibang international film festival, itinanghal si Burlat na Best Director of the Year. Hindi lang yan iginawad din sa director-actor-TV host ang award na “Hero of the Year” dahil sa kanyang mga makabuluhang proyekto sa mga Home for the Aged, Abandoned Children, Cancer victims, Autism at Street Children.

Ang karangalang ito ay ika 49 na Best Director award ni Burlat. Maliban sa Best Director of the Year at Hero of the Year Humanitarian Award, si Direk Romm din ang tinanghal na Prince of the Night or Best Dressed Male sa gabing yon na dinaluhan din ng mga sikat na artista tulad nila Teresa Loyzaga (Best Actress of the Year), Lovely Rivero (TV Actress of the Year), Jay Manalo (Most Durable Award Winning Actor of the Year), Angelique Lazo (Newscaster of the Year), Aiko Melendez ( Outstanding Actress & Public Servant of the Year), Patricia Javier (Most Empowered Celebrity of the Year) at marami pang iba).
Mula sa Pilipino Mirror, congratulations Direk Romm!