DIREK JUN LANA SOBRANG NAPABILIB KAY SUE RAMIREZ

AWARD-winning director Jun Lana tackles romance in the times of social media.the point

Noong buuhin at isulat ng award-winning director na si Direk Jun Lana ang “Ang Babaeng Allergic sa WiFi”, iisa lang ang nasa isip niya para lumabas sa role ni Norma, ang baba­eng may maselang sakit na ‘electromagnetic hypersensitivity’ o allergy sa WiFi.

“From the very beginning, I always wanted to work with her kasi napanood ko iyong isang clip niya,  hindi pa eksena, for a film which we line produced, iyong Debutantes. Idinirek siya ni Prime Cruz. Doon pa lang gusto ko na siyang maidirek dahil ga­ling na galing ako sa kanya. I think, everybody knows na napakagaling niyang artista. This movie reinforces kung gaano siya kagaling na artista. I’m surprised nga na hindi siya nabibigyan ng break dahil napakaga­ling niyang artista, maganda, marunong kumanta, I mean, complete package,” tsika niya.

Na-inspire daw siyang gumawa ng kuwento tungkol sa nasabing kondisyon para ipakita kung paano makakapag-connect ang isang tao, lalo na ang isang millennial kung siya ay walang access sa WiFi o social media.

“I was intrigued by the idea sa mga teenager nowadays who are so dependent on technology. Whatever happens, if you’re forced to disconnect and suddenly you become isolated. Anong mangyayari sa kanila kasi sobra silang naging dependent sa technology? Interesting sa akin iyong premise na iyon and that’s what I’m trying to explore,” paliwanag niya.

Nagbigay din siya ng obserbasyon sa mga millennials kompara noong kanyang henerasyon pagdating sa kanilang values sa trabaho at maging sa pakikipagkapuwa-tao.

“Marami namang talents, directors and  writers  na millennials or Gen Zers ang Idea First. Nakikita ko iyong difference ng generation ko sa kanila. I think, mas relax sila for some reason. They just accept kung ano ang mangyayari sa araw-araw,” pansin niya. “Noong generation ko kasi, mas ngarag, mas ambitious. We wanted to prove ourselves. Ito, iba iyong  generation na ito and that’s what I’m trying to capture,” pahabol niya.

Nilinaw naman niya na hindi siya ‘against’  sa mga millennials o Gen Zers.

SUE RAMIREZ“Bawat generation naman ay kanya-kanyang strengths and weaknesses. Some feel that the younger  generation is entitled but at the same time, this generation is very savvy pagdating sa technology. Feeling ko, mas adventurous sila. They know how to live in the moment whereas my generation, we are always thinking about our future and the things that we have to do to save, so  we have to be ambitious. We have to work so hard. Sila, they don’t wanna worry about the things that they can not control. Tama naman sila because there are no guarantees in life and  yet sobrang ngarag,” espli­ka niya.

Kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino, tampok din sa “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” sina Markus Paterson at Jameson Blake bilang mga leading men ni Sue.

Kasama rin sa cast nito sina Boots Anson Roa, Yayo Aguila, Kiko Matos,  Jameson Blake, Adriana So, Angellie Nicholle Sanoy at marami pang iba.

For your comments/reactions write to [email protected]

Comments are closed.