DIREK LAURICE GUILLEN PUNO NG PASABOG

PUNONG-puno ng pasabog ang bagong afternoon prime drama series na “Ika-5 Utos,” na mulingshowbiz eye ididirek ng award-winning director na si Laurice Guillen na siya ring nagdirek ng pinag-usapan at tumagal ng one year and four months na “Ika-6 Na Utos” sa afternoon prime din ng GMA 7.

“Marami kami nga­yon,” pauna ni Direk Laurice sa grand mediacon ng serye. “Binubuo kami ng three families at two generations of good actors.”

Ang tinutukoy ni Direk Laurice, ay ang tatlong pamilya: Lorenzo family ni Jean Garcia, Neil Ryan Sese at Jeric Gonzales; ang Buenaventura family ni Tonton Gutierrez at ng asawang si Valerie Concepcion mga anak nila sina Kiko Estrada, Migo Adecer at Klea Pineda; Manupil family ni Gelli de Belen, Antonio Aquitania, Jake Vargas and Inah de Belen, the girlfriend of Jake.

Sa “ika-5 Utos” ipakikita rito ang isang hazing incident na ikinamatay ng anak ni Tonton, at mabubuksan ang mga sugat sa pagitan ng tatlong mothers at ng kani-kanilang pamilya.  Isang naiibang pagsasalaysay ng buhay ng bawat pamilya at susundan ninyo ang kaganapan nito araw-araw, Mondays to Saturdays, simula sa Monday, September 10, pagkatapos ng “Eat Bulaga.”

Second unit director si Lore Reyes with RJ Nuevas as the headwriter mula sa conccpt ni Suzette Doctolero.

PRINCE NG MANOBO TRIBE PAYAG MAGING

ALALAY NI KIM CHIU MAKATRABAHO LANG

Aljun CayawanSI KIM Chiu pala ang crush at favorite actress ng bagong brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products ni Miss Aileen Choi-Go, ang Prince ng Manobo Tribe, si Aljun Cayawan kaya biniro siya noong media launch na bagay sila ni Kim dahil tawag sa actress ay ‘Chinita Princess.’

“Gusto ko po siyang ma-meet at makipag-selfie sa kanya,” sabi   ni  Aljun. “Dream ko rin pong makatrabaho siya, kahit nga maging PA (personal assistant) lamang niya, okey na sa akin.”

Kung bibigyan din siya ng chance na makapasok sa showbiz, gusto ni Aljun na sana  mabigyan siya ng chance  na makapasok sa “Ang Pro­binsyano” ni Coco Martin.  Sayang nga lamang at tapos na ang “Bagani,” tamang-tama sana siyang gumanap ng isang character doon dahil prince siya ng Manobo Tribe.

Pero haharapin muna ngayon ni Aljun ang trabaho niya bilang isang brand ambassador at dahil marami na siyang accomplishments na nagawa, isa siyang magandang example sa mga estudyante kapag nag-ikot na sila sa schools at universities para mag-promote at magbigay ng inspirational talks sa mga student.

JOSE MARI CHAN NATUTUWA DAHIL USO NA NAMAN SIYA

JOSE MARI CHANNATUTUWA naman si Jose Mari Chan na sinasabing kapag pumasok na ang ‘Ber’ months, siya agad at ang pamosong awitin niyang “Christmas in Our Hearts” ang naa­alala.  Hindi namin alam kung ilang diamond records na ang natanggap ng nasabing Christmas song na paboritong bilhin o or-derin ng OFWs sa kanilang mga pamilya para mapatugtog lalo kung Pasko.  Nang i-record ito ni Jose Mari Chan, dalaga pa ang panganay niyang anak na si Liza, at ngayon kasama na niyang kumakanta ang apo niya kay Liza.

Last September 3, bumisita si Jose Mari Chan sa GMA Network at na-meet niya si Ken Chan, si “My Special Tatay.”  Sabi ni Ken sana raw ay makasama niya sa isang project ang idolo niyang singer, payag naman si Jose Mari na puwede raw siyang maging uncle ni Ken sa project.

Comments are closed.