GAYUNPAMAN, naging challenge raw ito sa kakayahan niya ito bilang isang director.
“Ito na yata ang pinakamadugo at pinakamahirap sa mga films na nagawa ko in terms of directing kasi ang mga bata, ang hirap mapaarte. Hirap maipaintindi sa mga bata iyong tungkol sa drug addiction, kasi inosente nga sila. Totoong artista kasi ang mga artista ko rito at hindi mga batang hamog so ang hirap ikuwento sa kanila ang tungkol sa sex, pagnanakaw at pagru-rugby kaya doon ako nahirapan. Kailangang gabayan ko sila para magawa nila nang tama at makatotohanan sa film,” paliwanag niya.
Tsika pa niya, hindi na sila nag-hire ng child psychologist para i-brief ang mga bata sa kanilang mga role.
“Ako na mismo ang gumawa noon. Iyong workshop ko sa kanila. Sabi ko, artista kayo rito at lahat kayo ‘di ba gusto ninyong mag-artista? Sabi ko, kapag artista kayo, gagampanan ninyo ang lahat ng role na gustong gawin ng mga artista. So ito, role lang ito. Role lang itong gagawin ninyo at hindi siya totoo dahil masama ito,” kuwento niya.
Na-conscious din daw ang mga batang artista tulad nina Celine Juan, Kenken Nuyad at Therese Malvar sa kanilang mga role.
“Nag-crucifix sila habang nag-eexplain ako. Sabi nila, bad po iyon. Pero sabi ko naman, dapat gawin ninyo ito pero hindi ninyo dapat tularan,” esplika niya.
Thumbs up din si Direk Louie sa adult stars ng pelikula tulad nina Ai Ai de las Alas at Direk Joel Lamangan.
“Rebelasyon si Ai Ai rito. Bida-kontrabida ang role niya. Tahimik lang iyong acting niya rito, kaya ibang-iba siya. Deglamorized din siya rito at never akong nakarinig ng complaint sa kanya. Her character is so bad that you will really hate after watching the film.Even si Direk, wala siyang pakialam na naghubad siya kahit ang taba-taba niya,” sey niya.
Kinumpirma rin niya na may BJ scene si Direk Joel with GMA7 actor na si Kevin Sagra pero ito raw ay simulated lang.
Pasado raw sa standards niya si Kevin kahit daw replacement lang ito ni Kristoffer Martin na siyang original choice bilang lover ni Direk Joel sa pelikula.
“Maybe, it’s not really meant for Kristoffer, pero good replacement naman si Kevin,” esplika niya.
Ayon pa kay Direk, malaki ang chance nina Ai Ai at Direk Joel na manalo ng awards although hindi raw ito ang iniisip niya nang gawin ang pelikula.
Balak din ni Direk Louie na dalhin sa iba’t ibang prestihiyosong international filmfests .
Ang “School Service” ang ikalawang Cinemalaya movie ni Direk Louie Ignacio pagkatapos ng award-winning film na “Asintado”.
Maliban sa kanyang Cinemalaya movie, si Direk Louie rin ang director ng “The Clash” ang pinaka-exciting na singing competition sa GMA-7.
Comments are closed.