ITINANGGI ni director Paul Soriano ang mga espekulasyon na inalok siya ng pwesto sa adminstrasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“I’ve not been offered anything,“ ani Soriano.
“I am back to my job, producing films and commercials. Currently we’re preparing for the straight airing on Netflix this July of the comedy drama, ‘The Untitled’ with Alex Gonzaga,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Soriano na nakakuha rin siya ng usap-usapn hinggil sa kanyang appointment sa Department of Tourism (DOT) at sa presidential communications team ni Marcos.
“No such thing,” aniya. Sinabi naman niya na handa pa rin siyang maglingkod kay Marcos.
Matatandaang naging masugid na taga-suporta ang mag-asawang Soriano at Toni Gonzaga kay Marcos noong panahon ng kampanya. LIZA SORIANO