“IT’S the scariest horror film!”
Ito ang sabi ni Direk Paul Soriano, patungkol sa pelikulang “Sunod” na produced ng kanyang Ten17P Films at official entry sa MMFF 2019 sa direksyon ni Carlo Ledesma. Kakaiba nga raw ito sa ibang local horror films na nananakot lang, dito raw talagang matatakot ka.
Bida sa pelikula sina Carmina Villaroel, Mylene Dizon at JC Santos na nagsabing maging sila raw ay natatakot sa mga eksenang katatakutan. Mahusay ang direktor kaya naman nagawa niyang maging makatotohanan ang mga nakakatakot na eksena.
Next year ay mas magiging aktibo sa pagpo-prodyus ni Direk Paul at the same time magdidirek din siya. May mga nakaline-up na pelikula na silang gagawin kung saan mga bigating artista ang kukunin nila.
Kailan naman niya ididirek ang asawang si Toni Gonzaga?
“Basta’t may magandang project na gusto ko at bagay sa kanya, gagawin ko ‘yun.” , sabi ng napakaguwapo at napakabait na direktor.
GAZINI GANADOS NILALAIT DAHIL ‘DI NANALO
DAHIL hindi nanalo, kung ano-ano na ang sinasabi ng mga kapwa-Pinoy kay Gazini Ganados. ‘Wag naman sana, tama na. Ginawa naman niya ang best niya hindi lang siya pinalad. Para namang ang gusto natin eh, lagi na lang tayo ang panalo, give chance to others, ika nga. At kung para sa Filipinas, makukuha natin ‘yun.
Sobra ang pamba-bash nu’ng ibang nababasa namin sa ibang site kesyo matapang ang mukha ni Gazini, supladita ang dating, mukhang bakla at kung anu-ano pa. Pulos galing sa mga bading ang harsh comments at wala namang nagmalditang mga babae. Siyempre, kung tunay kang lalake, quiet at smile ka na lang.
Sana maging masaya na lang tayo pata kay Gazini. Afterall, lumaban naman siya. Para mapasama sa top 20, malaking bagay na ‘yun. Eh more than 80 plus na bansa ang naglaban-laban noh!
Stop na the bashing pls. Move on na po!
o0o
MAGSISIMULA na sa December 16, 2019 ang 3rd Gawad Sining Film Festival mula sa UP Arts Society sa UPFI. Anim na full length indie films ang kalahok kasama ang pelikula naming “Sa Mga Sulok Ng Pangarap” na magkakaroon ng screening that day , 6PM na pinagbibidahan nina Bugoy Cariño, Belle Mariano, Izzy Canillo, Micko Laurente, Yñigo Delen, Tawag ng Tanghalan Celebrity Champion finalists Justin Alva at si Bidaman runner-up Jiro Custodio kasama ang mga local talents ng Quezon Province.
We are so proud of our movie na kinunan ang entire shot sa General Luna, Quezon Province. Napakahuhusay ng aming mga artista , maganda ang mga location namin at mababait ang mga kababayan na nakasama namin sa loob ng 5 to 6 shooting days.
Sa kasalukuyan ay umiikot na sa mga eskuwelahan sa buong Quezon ang aming pelikula na pinangungunahan ng aming mga producers na sina Luisita Mayuga, Arlene de los Reyes, Jinky Sangalang, at Rachel Ursolino.kasama ang aming Production Manager na si Darwin Avila, Michelle Adal, Macky Jimenez, Alfred Marquez at mga staff ng AEE Film Production.
Kitakits po tayo sa December 16, 2019 sa UPFI, UP Diliman at 6PM. P250 po ang tiket.