NANGANGAMBA ang Metro Mayors sa mungkahi ng Kamara na payagan ang local government units (LGUs) na direktang makipagnegosasyon sa vaccine manufacturers upang makaangkat ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ang napag-alaman kay Paranaque City Mayor Edwin L.Olivarez na siya ring kasalukuyang chairman ng Metro Manila Council (MMC) na nagsabing magsusumite sila ng position paper na ipapadala sa Kamara tungkol sa iminungkahing House Bill 8648 na tinatawag na ‘Emergency Vaccine Procurement Act of 2021’ na ipinasa ni Speaker Lord Allan Velasco.
Sa ilalim ng House Bill 8648 ni Velasco, nakasaad dito na pinapayagan ang mga lokal na pamahalaan sa pangangasiwa at direktang pag-angkat ng COVID-19 vaccines sa mga manufacturer na hindi na kinakailangan pang dumaan sa proseso ng public bidding.
“Ako po, personally, kasama dapat ang national [government] dito para magkaroon ng tripartite agreement para ang pagdi-distribute ng vaccine, balanse sa lahat”, ani Olivarez sa isang panayam sa estasyon ssa radio.
Ani Olivarez, nagkaisa sa pananaw ang metro mayors na hindi lamang isa sa mga LGU na may kapasidad ang maaaring bumili ng naturang bakuna.
“Kawawa ang mga rural areas na walang capacity to purchase,” pagtatapos ni Olivarez. MARIVIC
FERNANDEZ
Comments are closed.