PAG-UUSAPAN ng Inter-Agency Task Force ang mga direktiba sa mga nagbabalik-campus o face-to-face classes ngayong nasa Alert Level 1 na ang National Capital Region at iba pang lugar sa bansa.
Pinahihintulutan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga kolehiyo at unibersidad na magpatupad ng kaniya-kaniyang panuntunan sa limited face-to-face classes basta’t nasusunod ang general guidelines.
Sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera na kasama sa general guidelines ang health protocols, retrofitting ng mga pasilidad at pagkakaroon ng contingency plan sakaling may suspected o confirmed COVID-19 case.
Kamakalawa ay nagbalik-campus na ang mga estudyante sa ilang malalaking pamantasan para sa limited face-to-face classes sa lahat ng degree programs.
Back to usual normal na ang Far Eastern University (FEU), ngayong pumasok na ang mga estudyante sa lahat ng degree program, kahit limitado ang kapasidad.
Nagsimula na rin ang limited face-to-face classes sa Ateneo de Manila University noong Marso 1.
Ayon sa mga propesor, masaya ang mga estudyante na nakakapasok na sila ngayon.