DISASTER INNOVATIONS SA MABILIS NA PAGTUGON SA KALAMIDAD

IPINAHAYAG ng DOST na kailangan ng “whole-of-society approach” para gawing mas disaster-resilient at sustainable ang mga komunidad ng Pilipinas.

Ayon kay DOST Sec. Renato Solidum, kailangang magkaroon ng matatag na paninindigan at pangako na bawasan ang mga kahinaan at gumawa ng sariling redefined at re-imagined Filipino brand of resilience.

Kailangan ng buong lipunan na gawing realidad ang pananaw sa mas ligtas, adaptive, at disaster-resilient Filipino communities tungo sa sustainable development.

Ginawa ng DOST chief ang pahayag sa pagbubukas ng 2023 Handa Pilipinas: Innovations in Disaster Risk Reduction and Management Exposition para sa Mindanao Leg sa Cagayan de Oro City.

Ang kaganapan ay nagpapakita ng mga invention sa panganib sa kalamidad at pagbabawas na tutulong sa mga komunidad sa paghahanda at pagtugon.

Aniya, ang innovations ay magbabago sa mga Pilipino na agad na makatugon sa mga kalamidad sa bansa.

Dagdag pa ni Solidum na ang mga Pilipino kasi madalas nabibiktima ng iba’t ibang mga sakuna. EVELYN GARCIA