MINOBILISA kahapon ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang mga disaster response units sa mga liblib na lalawigan kasunod ng ilang araw na pananalasa ng Typhoon “Enteng” na pinalubha pa ng umiiral na Southwest Monsoon o habagat na nagpalakas sa nararanasang mga pag ulan sa Visayas at Luzon areas.
Pinakilos ng Hukbong Sandatahan ang g kanilang mga tauhan at assets maging ang mga kasapi ng AFP major services reserve forces na nagdiriwang pa ng kanilang ika-45th National Reservist week para rumesponde sa sinalanta ng bagyong Enteng.
“Our troops are on high alert and ready to be deployed at a moment’s notice. The AFP is fully committed to supporting disaster response efforts and ensuring the safety of our citizens during this challenging time,” pahayag kahapon ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.
Kaugnay nito, naka high-alert at handang ideploy ang nasa 11 Search, rescue at Retrieval teams.
Nakapaloob sa mga grupong ito ng 6 na opisyal at 98 enlisted personnel na armado ng 19 na land assets at 7 sea assets para magbigay ng agarang tulong sa mga binahang lugar at magsagawa ng biglaang rescue operations.
Inatasan ni Brawner ang kanyang mga tauhan na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensya ng gobyerno para matiyak kung saan kinakailangan ang mabilis na pagresponde.
Kaugnay nito, nagsagawa rin ng briefings at mustering exercises ang naturang mga team para mapaghandaan ang agarang deployment at prepositioning ng mga assets para mabilis na marating ang mga critical areas.
VERLIN RUIZ