DISCOUNT SA SOLO PARENTS

Acting Secretary Virginia Orogo

DAPAT makatanggap ng tulong ang magulang na mag-isa lang na nagtataguyod sa kanyang mga anak.

Ito ang pahayag ni dating Department of Social Welfare and Development (DSWD)  Acting Secretary  Virginia Orogo.

“Solo parents are considered a vulnerable sector of society since raising children on your own is a her-culean task, hence, the national and LGUs should provide them with the necessary assistance to help them cope with the challenges of solo parenthood,”  pahayag pa ni Orogo.

May 300 solo parents ang nagtipon-tipon  sa gymnasium ng Department of Agrarian Reform, Quezon City para sa kauna-unahang National Solo Parent’s Summit ng Department of Social Welfare and De-velopment (DSWD) na dinaluhan ng ilang advocates at kawani mula sa mga ahensiya ng gobyerno, sa pa­ngunguna ni DSWD Acting Sec. Virginia Orogo para talakayin ang isinusulong na pag-amiyenda sa Republic Act 8972 o Solo Parents Welfare Act.

Dito ay inilatag ng mga opisyal ang mga plano ng tanggapan para sa solo parents, kabilang na ang pag-tatayo ng daycare centers kung saan maaaring ihabilin ng mga magulang ang kanilang maliliit na anak para makapagtrabaho.

Batay sa pag-aaral ng Department of Health at UP National Institute for Health noong 2007,  may 14-milyon ang bilang ng solo parents.

May 18 bills na sa Kamara, at lima sa Senado ang nakahain para amiyendahan ang nasabing batas.

Sa ilalim nito, nais ng tanggapan na mabigyan ng diskuwento ang mga anak ng solo pa­rents sa mga produkto at serbisyo katulad ng damit, gamot, gatas,  school supplies, matrikula; at ang exemption nila sa buwis.

3 thoughts on “DISCOUNT SA SOLO PARENTS”

Comments are closed.